PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Imburnal Girl," inamin ang pagkakaroon ng masamang bisyo

Babae sa imburnal, ibinenta ang cutter blade sa halagang PHP5,000.
by Jojo Gabinete
Published Jun 9, 2025
rosemarie peligrino
Rosemarie Peligrino, also known as "Imburnal Girl," became viral after being photographed crawling out from a drainage in Makati City.
PHOTO/S: Boss Toyo Production YouTube

Trigger Warning: Mention of self-harm

May mga kumukuwestiyon ngayon sa pagbibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng PHP80,000 ayuda kay Rosemarie Peligrino dahil sa rebelasyon nito tungkol sa paminsan-minsang paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Si Peligrino ang babae sa larawang nag-viral noong Mayo 27, 2025.

Nakunan siya ng litrato habang gumagapang palabas mula sa imburnal sa kanto ng kalye ng Rufino at Adelantado sa Legazpi Village, Makati City.

Read: Sampaguita vendor sa viral video, 22 anyos na at MedTech student

rosemarie peligrino
This viral photo of Rosemarie Peligrino earned her PHP80,000 financial aid from DSWD.
Photo/s: william robertS
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hinabol si Peligrino ng mga security guard pero nakatakbo siya papalayo.

Natunton ang kinaroroonan ni Peligrino.

Sa pakikipag-usap sa kanya, itinanggi niya ang mga haka-hakang naninirahan siya sa loob ng imburnal.

Ayon kay Peligrino, pumasok siya sa imburnal para kunin ang kanyang nahulog na cutter blade.

Noong Mayo 30, personal na nakipagkita DSWD Secretary Rex Gatchalian kay Rosemarie para ibigay ang PHP80,000 na tulong sa ilalim ng Pag-abot Program ng Department of Social Welfare and Development.

Sinabi ng isang DSWD social worker na may kakayahan si Rosemarie na magtayo ng pinapangarap niyang sari-sari store.

Read: Hollywood star Taylor Lautner reacts to "What hafen, Vella" trend

rex gatchalian dswd
DSWD Secretary Rex Gatchalian with Rosemarie Peligrino
Photo/s: DSWD Facbook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa pinansiyal na tulong na ibinigay ng DSWD kay Peligrino ay nakaisip ng iba't ibang memes ang ilang netizens.

Karamihan sa kanila ay nagsasabing hindi na kailangang kumayod nang husto dahil sa pamamagitan lamang pala ng paggapang mula sa imburnal ay mabibiyayaan na sila ng PHP80K mula sa gobyerno.

Sa gitna nito, nanawagan si Gatchalian sa publiko na huwag husgahan at huwag gawing social media memes si Peligrino dahil wala itong kasalanan sa tulong na kusang ibinigay sa kanya ng DSWD.

Sa isang panayam kay Gatchalian, ipinaalala niyang nakakaapekto sa mga nagnanais magbagong-buhay ang masasakit na salita.

Read: President Marcos notices Kamuning Footbridge; orders its removal

"IMBURNAL GIRL" ADMITS TO USING ILLEGAL SUBSTANCE

May mga nakisimpatiya kay Peligrino dahil sa kuwento nitong ginagamit niya ang cutter blade na nalaglag sa imburnal para sa kanyang hanapbuhay, ang pangangalakal.

Pero nagbago ang ihip ng hangin nang lumapit siya sa content creator na si Boss Toyo ng Pinoy Pawnstars.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kasama ang kanyang partner na si Jerome, sinadya ni Peligrino si Boss Toyo para ibenta ang cutter blade na dahilan ng kanyang pagpasok sa maliit na butas ng imburnal.

Ito rin ang dahilan kaya naungkat at nakumpirma ang hinihinalang masamang bisyo ni Peligrino.

Read: Influencer Euleen Castro draws flak over "insulting" food review

rosemarie peligrino cutter blade
The cutter blade of Rosemarie Peligrino which she sold to Boss Toyo.
Photo/s: Boss Toyo Production YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napansin ni Boss Toyo ang mga marka ng hiwa sa pulso ni Peligrino, kaya tinanong niya ang tungkol dito.

Dito inamin ni Peligrino ang kanyang pagbibisyo.

“Nagbibisyo po pero hindi naman ano… hindi naman po araw-araw. Noon pong naghihiwa ako, hindi pa po ako gumagamit,” pagtatapat ni Peligrino nang diretsahang tanungin siya ni Boss Toyo kung may bisyo siya.

Pinayuhan siya ni Boss Toyo na magbago na siya.

“Magbago ka, pilitin mo. Kailangan magbago ka, sayang yung ibinigay sa yo. Mauubos iyon,” sabi ni Boss Toyo tungkol sa pinansiyal na tulong ng DSWD.

Sa huli ay binili ni Boss Toyo ang cutter blade ni Peligrino sa halagang PHP5,000.

Sa panayam kay Rosemarie ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ng GMA-7 na napanood noong Hunyo 1, itinanggi niyang nakainom siya ng alak o nasa ilalim ng impluwensiya ng droga nang malaglag sa imburnal ang kanyang cutter blade.

Ipinakita ni Rosemarie sa KMJS ang kulay pink na cutter blade na katulad umano ng cutter blade na nalaglag, samantalang kulay dilaw naman ang cutter blade na kanyang ibinenta kay Boss Toyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
rosemarie peligrino cutter blade
Rosemarie Peligrino shows a pink cutter blade that she uses in her job.

Ang ipinagtapat ni Rosemarie na paminsan-minsang paggamit ng droga ang dahilan para makatanggap ng mga batikos ang DSWD.

Para sa karamihan, may mga mahihirap na Pilipinong higit karapat-dapat tulungan ng DSWD pero hindi napagtutuunan ng pansin dahil hindi sila viral sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Colombian model shot dead days after Mexican influencer's murder

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rosemarie Peligrino, also known as "Imburnal Girl," became viral after being photographed crawling out from a drainage in Makati City.
PHOTO/S: Boss Toyo Production YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results