Burado na sa isang online site ang balitang may inilihim na anak sina Xian Lim at Louise delos Reyes matapos maglabas ang Viva Artists Agency (VAA) ng opisyal na pahayag upang pabulaanan ito.
Ang VAA ang namamahala sa showbiz career nina Xian at Louise.
Nagtambal sina Xian at Louise sa pelikulang Hanggang Kailan, na ipinalabas noong Pebrero 6, 2019, pero makalipas ang anim na taon ay saka lamang lumitaw ang fake news na may itinatago silang anak.
Gumamit pa ang ilang online sites ng larawan ng isang bata para pang-"clickbait" sa pekeng balitang ito.
Read: Xian Lim, nilinaw na si Kim Chiu ang nag-initiate ng breakup
VAA STATEMENT ON FAKE NEWS
Nakasaad sa inilabas na pahayag ng VAA: “There are rumors circulating online which suggest that two of our artists, Louise delos Reyes and Xian Lim, have a child together.
"These rumors are completely false and are, in fact, libelous.
“In what we see as an attempt to gain more attention, as ‘clickbait,’ some of these posts also include a photo of a minor.
“This is an invasion of privacy and is inappropriate, irresponsible, exploitative, and in poor taste.
“We ask that the public refrain from spreading or engaging with malicious and false information, and remind all to be discerning of content posted online.”
Sa kasalukuyan ay parehong masaya sa kani-kanilang relasyon sina Xian at Louise.
Si Xian ay matibay pa rin ang relasyon sa girlfriend niyang si Iris Lee; habang si Louise naman ay engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend.
Read: Louise delos Reyes now engaged to non-showbiz boyfriend
Narito ang kabuuang statement ng VAA: