PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MC Muah at Lassy, kusang umalis sa It's Showtime?

MC Muah at Lassy, tahimik pa rin tungkol sa kontrobersiyal vlog ni Vice Ganda.
by Jojo Gabinete
Published Jun 11, 2025
vice mc lassy it's showtime
It's Showtime viewers wonder why Lassy (left) and MC Muah (right) have been missing in action for a few weeks now on the popular noontime show. Does this have something to do with Vice Ganda (center) reprimanding MC in one of the TV host-comedian's vlogs?
PHOTO/S: Kapamilya Channel

Nananatiling tahimik sina MC Muah Calaquian at Lassy Marquez tungkol sa pagkawala nila bilang co-hosts ng noontime show na It’s Showtime.

Dahil dito, sari-sari ang mga haka-hakang kumakalat.

Isang may alam sa kuwentong ito ang nagparating sa Cabinet Files na, diumano, kusang-loob na nagpahinga sina MC at Lassy, kaya hindi na sila nakikita sa Kapamilya noontime show na napapanood sa GMA 7, A2Z, ALLTV, at Kapamilya Channel.

Malakas naman ang hinalang may kinalaman ang paninita ni Vice Ganda kay MC sa outing nilang magbabakarda sa hindi na pagsipot ni MC at Lassy sa It’s Showtime.

Read: Vice Ganda calls out MC Muah: “Hindi marunong makisama.”

Naging kontrobersiyal ang vlog ni Vice na kinunan sa Coron, Palawan, dahil sa kanyang paninita kay MC na hindi raw tio marunong makisama at palaging huling dumarating sa kanilang mga pagtitipon nang magbakasyon sila sa lugar.

Gaya nina MC at Lassy, nananatiling tahimik si Vice sa isyung ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WILL FRIENDSHIP PREVAIL AMONG VICE, MC, AND LASSY?

Hindi naman nakaligtas si Vice sa masasakit at maaanghang na salita mula sa mga nakikisimpatiya sa kanyang mga kaibigan.

May mga kumampi sa inasal ni Vice, pero mayroon ding nagsabing mali ang kanyang ginawa dahil nalagay si MC sa alanganing sitwasyon.

Hindi na nasilayan sina MC at Lassy sa It’s Showtime ilang araw matapos lumabas ang vlog ni Vice.

May mga nag-uudyok kina MC at Lassy na huwag nang bumalik sa It’s Showtime, pero may mga nagpapayo ring huwag nilang hayaang masira at matuldukan ang malalim na pagkakaibigan nila ni Vice.

Tumatanaw sina MC at Lassy ng utang na loob kay Vice dahil sa mga pelikula nitong kasama sila.

Nakilala sina MC at Lassy ng publiko dahil kay Vice na malaki rin ang kinalaman kaya naging mga co-host sila ng It’s Showtime.

Read: Paliwanag ni Vice Ganda sa segments; TV ratings ng noontime shows

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It's Showtime viewers wonder why Lassy (left) and MC Muah (right) have been missing in action for a few weeks now on the popular noontime show. Does this have something to do with Vice Ganda (center) reprimanding MC in one of the TV host-comedian's vlogs?
PHOTO/S: Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results