Si Kyle Echarri ang gaganap na third party sa pelikulang 100 Awit Para Kay Stella, ang sequel ng 100 Tula Para Kay Stella, na pinagbibidahan nila nina Bela Padilla at JC Santos.
Labing-apat na taon pa lamang ang edad ni Kyle nang ipalabas sa mga sinehan ang 100 Tula Para Kay Stella, na naging topgrosser sa Pista ng Pelikulang Pilipino noong Agosto 2017.
Read: JC Santos-Bela Padilla starrer 100 Tula Para Kay Stella grosses P95 million in one week
Inamin ng 21-year-old Kapamilya singer-actor na hindi pa niya napapanood ang original movie.
“I was fourteen when it first came out. Siyempre, I hear all about the hype but to be honest, hindi pa. Hindi ko pa napapanood,” pag-amin ni Kyle sa panayam sa kanya ng Cabinet Files.
Pero itinuturing ni Kyle na isang malaking karangalan na siya ang napili para makasama nina Bela at JC sa 100 Awit Para Kay Stella.
“Una sa lahat, I am honored to be working with these two.
"I mean, it’s an honor to be able to do this kind of role. I am very blessed to be part of this project.
"Obviously, nakaka-pressure siya kasi siyempre ang laki na ng 100 Tula Para Kay Stella.
"And then, it’s getting a sequel and I am a part of it pa.
“I am not allowing the pressure to get too much, of course, but I am just enjoying the ride,” saad niya.

KYLE ECHARRI ON BEING CLOSE TO BELA PADILLA
Kumportableng-komportable raw si Kyle kay Bela kahit wala pang isang taon ang pagkakaibigan nila.
Nagkasama sila sa Pamilya Sagrado, ang primetime drama series ng Kapamilya Channel noong 2024, pero hindi sila nagkaroon ng mga eksenang magkasama.
Naging malapit ang dalawa dahil kay Piolo Pascual, na matalik na kaibigan ni Kyle.
Ayon kay Kyle, natapos na ang Pamilya Sagrado nang maging magkaibigan sila ni Bela.
Lahad niya: “May mga gathering na isinasama namin siya. Ginugulo din namin siya.
“Artistic na babae ito. I feel like we got along very well, we get along with our views in life, so dun kami nag-connect talaga.
"I can call her one of my closest friends in the industry.
“Wala pa kaming one year magkakilala pero close na kami.”
Read: Netizens react to Dingdong Dantes and Karylle sharing stage on It's Showtime
Naganap ang script reading at look test nina Kyle, Bela, at JC para sa mga karakter nila sa 100 Awit Para Kay Stella noong Miyerkules, Hunyo 11, 2025.
Pagkatapos ng look test at script reading, nagkaroon ng guitar lessons sina Kyle at JC dahil kakanta at tutugtog sila ng gitara sa mga eksena nila sa pelikula.
Unang inanunsiyo ng direktor na si Jason Paul Laxamana ang pagkakaroon ng sequel ng 100 Tula Para Kay Stella noong 2019.
Pero hindi ito nangyari dahil sa coronavirus pandemic kaya ngayon lamang matutuloy ang proyektong tatlong buwang isinulat ni Jason ang script.