Nabigla, nawala sa sarili, at natawa si Ruffa Gutierrez dahil imbes na ang pangalan ni Barbie Forteza ang sabihin, "Barbie Imperial" ang kanyang binanggit nang mag-imbita siyang panoorin ng publiko ang Beauty Empire.
Ang Beauty Empire ang comeback project ni Ruffa sa GMA-7.
“This is directed by Mark Sicat dela Cruz with Barbie Imperial… Barbie Forteza! Oh my God... Imperial.
"Isa pa. Sorry, may Imperial kasi. I am so stressed… wait!" nagulat na reaksiyon ni Ruffa sa kanyang hindi sinasadyang pagkakamali sa interview niya sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Araw ng Kalayaan, June 12, 2025.
Read: Gabby Eigenmann, may opinyon sa pagpu-post ng mukha ng celebrity kids sa social media
RUFFA ON RICHARD-BARBIE RELATIONSHIP
Sinundan ito ng tanong ni Boy Abunda kay Ruffa: “Barbie and Richard ba are still together?”
Ang tinutukoy ng TV host dito ay napapabalitang relasyon ng kapatid ni Ruffa na si Richard Gutierrez kay Barbie Imperial.
“I don’t know. Isa pa yon… minsan bumpy, minsan okay. Naguguluhan na ako sa kanila!” tawang-tawang sabi ni Ruffa.
Aminado kasi ang aktres na may pinagdaraanang “bump” ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Herbert Bautista.
Read: Ruffa Gutierrez reveals she's not on speaking terms with Herbert Bautista
RUFFA ON BARBIE FORTEZA AND KYLINE ALCANTARA
Mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas mula nang mapanood si Ruffa sa programa ng GMA-7, at may kinalaman nga sa Beauty Empire ang kanyang muling pagtuntong sa bakuran ng Kapuso Network.
Ang Beauty Empire ang drama series na unang ipalalabas sa Viu sa Hunyo 16, at mapapanood sa primetime lineup ng Kapuso Network simula sa Hulyo 7.
Ginagampanan ni Ruffa sa Beauty Empire ang karakter ni Velma Imperial.
Co-stars niya rito sina Barbie Forteza, Kyline Alcantara, Sam Concepcion, Choi Bo Min, Chai Fonacier, at Sid Lucero.

Mababait at magagalang ang mga papuri ni Ruffa kina Barbie at Kyline, na pareho niyang nakatrabaho sa unang pagkakataon sa Beauty Empire.
“It was my first time to work with both of them,” ani Ruffa.
“Napakabait, silang dalawa. Si Barbie, kada lumalabas sa bibig niya, laging 'po' at 'opo.'
"Super sweet, super simple, and napakahusay umarte.
"Kyline as well. I have no problems with them."
Dagdag niya: “I think that camaraderie that we have on the set is nice.
"Hindi kami super magkabarkada kasi they’re still kinda, like, still look up to me na, ‘Hello, Miss Ruffa.’
"Pero nakikinig sila kapag nagkukuwento ako lalo na tungkol sa love.”
Ano ang mga payo niya kina Barbie at Kyline?
Sabi ni Ruffa: "Ang dami kong advice sa kanila tungkol sa love.
"Isa na, huwag mag-live in! Yes! Huwag mag-live in.
“You should take someone more successful than you. If you are a hardworker and you earn your own money…
"Pero lahat tayo minsan nagiging tanga sa pag-ibig. Kapag nagiging tanga sa pag-ibig, kailangan isipin mo kung sino ka as a person.
"Have self-respect and wait for the person that’s really deserving of your love. Don’t settle for less.”