Isa nang ganap na musical ang Bagets, ang 1984 blockbuster coming-of age-movie na pinagbidahan nina Aga Muhlach, William Martinez, Herbert Bautista, JC Bonnin, at Raymond Lauchengco.
Magkakaroon ng auditions para sa mga bagong mukha at kabataang nangangarap maging bahagi ng Bagets: The Musical.
Gaganapin ang auditions sa Hulyo at Agosto 2025.
Ang Viva Communications, Philippine Star, at Philippine Educational Theater Association (PETA) ang producers ng Bagets: The Musical, na itatanghal sa Newport Performing Arts Theater, Pasay City, sa 2026.
Ang direktor ay si Maribel Legarda ng PETA.
Ang award-winning playwright at artistic director ng PETA na si J-mee Katanyag ang sumulat nito.
Read: Nicole Scherzinger at Darren Criss, wagi sa 78th Tony Awards
COMING OF AGE
Nagbigay ng pahayag si J-mee tungkol sa theatrical adaptation at reimagination ng iconic movie ng Viva Films.
Saad niya: “What’s so exciting about this production is the collaborative effort of everyone, every partner that will bring back the magic of Bagets onstage.
“In terms of the storyline and the script, definitely we will keep the most iconic part — the barkada, the heartbreaks, the '80s music and dance.
“We also want to highlight yung film, hindi lang siya coming of age ng mga kabataan.
"Coming of age din siya ng mga tao, yung other characters sa paligid ng bagets.
"Like the ermats na, during that time, pinagsasabay yung pagiging career woman. Yung erpats na either missing in action, busy or quiet.
“And the bagets na navigating how to grow up to be a man.
"Kung paano ba sila mag-grow up, maging tao sa panahon ngayon.
"And hopefully, kapag napanood ito ng current generation, bukod sa inter-generational yung magiging conflict, mare-realize nila na yung struggles noon at ngayon, walang pagkakaiba.
“Magkakaiba ng panahon pero pareho ng puso.
"Aside from nostalgia, it’s also an invitation to reflect on who we are."
Ang Bagets ang pelikulang naglunsad sa showbiz career ni Aga kaya may mga mungkahing isali sa cast ng Bagets: The Musical ang kanyang anak na si Andres na may talento sa pagkanta.
Read: Virgin Lab Fest XX: Hinog sa Sex, Religion, at Politics