PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sandro Muhlach, birthday wish na "magka-projects na ako"

Sandro, nag-celebrate ng 24th birthday sa Boracay kasama ng pamilya.
by Jojo Gabinete
Published Jun 14, 2025
Sandro Muhlach, birthday wish na "magka-projects" na siya ngayong taon.
Paglalarawan ni Sandro Muhlach kung paano niya pinagdiwang ang kaarawan sa Boracay: "Sinorpresa po ako kagabi ng family and loved ones ko. Then tonight, may intimate dinner po kami ng family ko."
PHOTO/S: @sandromuhlach Instagram

Ngayong Sabado, Hunyo 14, 2025, ang ika-24 kaarawan ni Sandro Muhlach.

At simple lamang ang mga kahilingan niya—ang magkaroon ng mga proyekto sa showbiz at maging masaya sila ng kanyang pamilya.

"Ang birthday wishes ko po, sana magka-projects na ako after all what happened, and happiness for me and my family po," pahayag ni Sandro sa pakikipag-usap sa kanya ng Cabinet Files.

Ang diumano’y pang-aabuso na naranasan niya noong Hulyo 2024 sa mga kamay ng GMA-7 independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Dode Cruz ang "after all what happened" na tinutukoy ni Sandro.

Read: Sandro Muhlach naghain ng reklamong rape, acts of lasciviousness

Noong Hunyo 8, kasama ang Muhlach clan, nagpunta si Sandro sa isla ng Boracay para ipagdiwang ang ika-83 kaarawan ng kanyang Lolo Alex Muhlach, na Hunyo 9 ang petsa ng kapanganakan.

Si Alex ay kapatid ng yumaong Amalia Fuentes, isa sa mga reyna ng pelikulang tabing. Kasabayan ni Amalia si Susan Roces.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Sandro Muhlach with dad Nino and lolo Alex
Sandro Muhlach (right) with dad Nino (left) and grandfather Alex (center)
Photo/s: @sandromuhlach Instagram

Dahil halos magkasunod ang kaarawan ni Sandro at ng kanyang lolo, dobleng selebrasyon ang naganap sa Boracay.

Noong Biyernes ng gabi, Hunyo 13, isang surprise birthday asalto ang natanggap ni Sandro mula sa pamilya kaya maligayang-maligaya siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sinorpresa po ako kagabi ng family and loved ones ko. Then tonight, may intimate dinner po kami ng family ko," saad ni Sandro.

May mensahe rin si Sandro para sa kanyang tatay na si Niño Muhlach dahil gugunitain sa Linggo, Hunyo 15, ang Araw ng Mga Ama.

Hindi pinabayaan ni Niño si Sandro nang masangkot ang huli sa malaki at maselan na kontrobersya noong nakaraang taon.

Pinahahalagahan nang husto ni Sandro ang walang katumbas na pagmamahal sa kanya ni Niño, lalo na ang walang kundisyong suporta ng dating Child Wonder sa panahong magulung-magulo ang mundo ng panganay na anak.

"Thank you Papa for everything. Sobrang suwerte ko na ikaw ang Papa ko.

"You supported me since the beginning and never ka nag-fail na ipakita sa akin na proud ka sa akin.

"Thank you sa pag-aalaga mo sa amin ni Alonzo. Papa I love you," ang Father’s Day message ni Sandro para sa kanyang mapagmahal na ama.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: DOJ files rape case vs GMA independent contractors; Sandro reacts

SANDRO MUHLACH legal battle vs jojo nones, richard dode cruz

Kinasuhan ng Department of Justice sina Nones at Cruz ng isang bilang ng rape through sexual assault at dalawang bilang ng acts of lasciviousness.

Base ito sa salaysay ni Sandro na positibong tinukoy sina Nones at Cruz na diumano'y umabuso sa kanya nang siya ay pumunta sa hotel room na kinalulugaran ng dalawa matapos ang GMA Ball noong 2024.

Ayon sa resolusyon ng DOJ, nakitaan ng "element of force and intimidation" ang insidente dahil sa salaysay ni Sandro na paulit-ulit siyang nagmakaawa kina Nones at Cruz na itigil ang kanilang "unwanted sexual advances."

"Unfortunately, complainant Sandro was physically too weak and dizzy to succeed due to the effects of the drugs and alcohol," saad pa sa isang bahagi ng resolusyon.

Mariing pinabulaanan ito nina Nones at Cruz, na nanindigang hindi nila inabuso si Sandro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jojo Nones, Dode Cruz "disappointed" sa resolution ng DOJ

Ipinaliwanag ng kanilang abogado, si Atty. Maggie Abraham-Garduque, sa isang official statement noong October 2024, ang ilang importanteng bagay na kumokontra sa salaysay ni Sandro.

Ayon sa official statement, "negative"—o walang laceration o injury—sa private part ni Sandro, base sa findings ng medico-legal report.

Sinabi rin ni Atty. Garduque: “[The] drug test result of Sandro states that he was negative for any illegal substance.

“So, there is no basis to state that the alleged lascivious acts were committed because Sandro was so weak and dizzy because he was on drugs and alcohol.

"There was no evidence presented by Sandro that he was indeed drugged."

Noong February 2024, dinismiss ng korte ang dalawang bilang ng acts of lasciviousness laban sa dalawang akusado.

Nakasaad sa resolution na meron nang kasong rape through sexual assault na isinampa laban sa dalawang independent contractors sa DOJ kaya "overkill" na ang kasong acts of lascviousness.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy na dinidinig ang natitirang kaso laban kina Nones at Cruz sa DOJ.

Read: Acts of lasciviousness case laban kina Nones at Cruz, na-dismiss

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paglalarawan ni Sandro Muhlach kung paano niya pinagdiwang ang kaarawan sa Boracay: "Sinorpresa po ako kagabi ng family and loved ones ko. Then tonight, may intimate dinner po kami ng family ko."
PHOTO/S: @sandromuhlach Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results