Pageant veterans ang mga nananalo sa iba’t ibang beauty pageants ngayong 2025.
Inumpisahan ito ni Ahtisa Manalo na kinoronahang Miss Universe Philippines 2025 noong Mayo 2.
Si Ahtisa ang Bb. Pilipinas-International 2018 winner at Miss Cosmo Philippines 2024 titleholder bago niya nakamit ang karapatang maging kinatawan ng bansa sa 74th Miss Universe na magaganap sa Thailand sa November 21, 2025.
Read: Ahtisa Manalo of Quezon Province crowned MUPH 2025
KATRINA ANNE JOHNSON
Gaya ni Ahtisa, pageant repeater si Katrina Anne Johnson, ang newly crowned Bb. Pilipinas International sa Binibining Pilipinas 2025 na idinaos sa Smart Araneta Coliseum, Linggo ng gabi, Hunyo 15, 2025.
Unang sinubukan ni Katrina na sumali sa Binibining Pilipinas 2023, kung saan siya ang hinirang na first runner-up.
Read: Katrina Anne C. Johnson wins Bb. Pilipinas International 2025

Batchmate ni Katrina sa Binibining Pilipinas 2023 si Bb. Pilipinas Globe 2023 Anna Valencia Lakrini.
Si Anna, na isang Filipina-German, ay kalahok sa Miss Supranational 2025 na gaganapin sa Poland sa Hunyo 27.
Pero official candidate siya ng Germany, at hindi ng Pilipinas.
Makakatunggali ni Anne sa Miss Supranational 20215 ang Philippine representative na si Tarah Mae Valencia.

MYRNA ESGUERRA
Si Myrna Esguerra ang Bb. Pilipinas International 2024 titleholder at siya ang nagsalin ng korona kay Katrina.
Si Myrna ang opisyal na kandidata ng Pilipinas sa Miss International 2025 na nakatakdang idaos sa Tokyo, Japan, sa Nobyembre 27, 2025.
Sa susunod na taon pa lalaban si Katrina Anne Johnson sa 64th Miss International.
Read: Ina ni Zeinab Harake, "banned" sa wedding nila ni Bobby Ray Parks Jr.?

ANNABELLE MAE MCDONNELL
Si Annabelle Mae McDonnell ang nagwaging Miss Globe Philippines sa Binibining Pilipinas 2025.
Tulad nina Ahtisa at Katrina, beterana na rin si Annabelle sa pagsali sa mga beauty contest.

Second runner-up siya sa Miss Millennial Philippines 2019, ang beauty pageant ng Eat Bulaga!.
Noong Pebrero 16, 2023, si Annabelle ang ipinadala ng Pilipinas sa inaugural edition ng Miss Charm sa Ho Chi Minh City, Vietnam.
Siya ang itinanghal na first runner-up.
Read: Victor Neri finishes law degree at 49

DALIA VARDE KHATTAB
First runner-up naman sa Binibining Pilipinas 2025 si Dalia Varde Khattab, ang 21-year-old aspiring actress na contract artist ng Star Magic.
Napanood siya sa He’s Into Her (Mayo 28, 2021-Agosto 3, 2022), ang romantic-comedy series na pinagbidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

BEAUTY QUEEN HOSTS AND JUDGE
Mga dati ring titleholder ang hosts ng Binibining Pilipinas 2025 — sina Miss International 2016 Kylie Verzosa, Miss Universe Philippines 2014 Mary Jean Lastimosa, Miss Globe 2021 Maureen Montagne, at Bb. Pilipinas Grand International 2016 Nicole Cordoves.

Kabilang ang aktres at Bb. Pilipinas International 1986 titleholder na si Alice Dixson sa mga hurado ng Binibining Pilipinas 2025.
Tatlumpo’t walong (38) taon o halos apat na dekada na ang showbiz career ni Alice kaya matindi ang reaksiyon ng mga manonood at ng Araneta Coliseum audience sa Q&A segment dahil "Alice Dizon" ang pakilala sa kanya ni MJ Lasimosa.
Agad namang itinuwid ni MJ ang pagkakamali sa pagbanggit niya sa apelyido ng aktres na Top 15 finisher sa Miss International 1986.
Read: Binibining Pilipinas candidates, ang huhusay sa mediacon Q&A