PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BLIND ITEM: TV personality, nagtampo dahil sa billing issue

TV personality, di matanggap na mas nauna sa billing ang co-star niya.
by Jojo Gabinete
Published Jun 16, 2025
blind item pasaway na aktor
PHOTO/S: Canva

Muntik nang hindi dumalo ang isang TV personality sa media conference ng bagong proyekto nito dahil hindi niya nagustuhan ang billing ng kanyang pangalan.

Napilitan ang TV personality na siputin ang press conference dahil kinumbinsi siya ng production staff.

Ipinaliwanag sa kanyang importante ang partisipasyon niya sa programa na isa sa pinakamalaking proyekto niya.

Read: Ina ni Zeinab Harake, "banned" sa wedding nila ni Bobby Ray Parks Jr.?

Ang nakakaalam sa tunay na dahilan ng pagtatampo ng TV personality ang nagsabi na nahihirapan itong tanggapin na mas nauna sa billing ang pangalan ng isang kasamahan nila sa trabaho.

Pero kung seniority ang pag-uusapan, di hamak na mas unang pumasok sa showbiz at naglingkod sa TV network na kapwa nila kinabibilangan ang pinagseselosan ng TV personality.

May karapatan itong bigyan ng magandang billing ang kanyang pangalan.

TV PERSONALITY MAY CRYPTIC POST

Nagpakita ang TV personality sa media conference ng programa pero nakita at naramdaman ng production staff na hindi siya masaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napansin ding malamig ang pakikitungo niya sa tao na ugat ng kanyang pagmamaktol.

Hindi nagwakas sa pagdalo sa presscon ang pagtatampo ng TV personality dahil isang cryptic post ang mababasa sa kanyang social media account.

Ipinahiwatig ng TV personality sa social media post nito ang pang-aapi sa kanya.

Pero imbes na makakuha ng simpatiya, hindi natuwa ang production staff sa drama niya dahil wala siya sa katuwiran bilang nauna ngang pumasok sa entertainment industry at nagkamit ng mga parangal ang taong pinagseselosan niya nang matindi.

Read: Cesar Montano happy for ex-wife Sunshine Cruz and Atong Ang

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results