PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ina ng isa sa pinaslang na goat dealers, sumabog ang galit

Luis Manzano, nakiramay sa pamilya ng mga pinaslang na goat dealers.
by Jojo Gabinete
Published Jun 17, 2025
murdered goat dealers
The murdered goat dealers from Calatagan, Batangas: (from left) Gerry Ortega, John Luis Olarte, and Ronald Alumno.
PHOTO/S: Calatagan, Batangas LGU Facebook

Labis na naghihinagpis ang ina ng isa sa tatlong goat dealers na karumal-dumal na pinaslang.

Ang goat dealers na nasawi ay ang mgpinsang sina John Luis Olarte, 27, at Gerry Ortega, 32, at ang kaibigan nilang si Ronald Alumno, 37.

Umalis ang tatlo sa Calatagan, Batangas, noong Mayo 6, 2025, para ihatid sa Maguindanao del Sur ang sampung hybrid goats na nagkakahalaga ng isang milyong piso.

Huling nakipag-ugnayan si Olarte sa kapatid nito noong Mayo 11 para sabihing nasa checkpoint na sila ng kanyang mga kasama at makikipagkita sa mga bibili ng mga dala nilang kambing.

Mula noon, hindi na nagkaroon ng komunikasyon ang tatlo sa kanilang mga kamag-anak.

Read: Passenger escapes death after missing Air India flight by minutes

Noong Mayo 30, natagpuan ang mga bangkay nila na nakabaon sa mababaw na libingan sa isang rubber plantation sa Barangay Nabundas, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao del Sur.

Nakatali ang mga kamay, nakapiring ang mga mata, at tadtad ng tama ng bala ang mga katawan nina Alumno, Ortega, at Olarte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaarawan ni Olarte noong Mayo 23.

Noong Lunes, Hunyo 16, hinukay ang pinaglilibingan sa mga biktima para sumailalim sa autopsiya.

Lalo itong nagpabigat sa kalooban ng ina ni Olarte na si Prescy Olarte dahil nalaman niya ang matinding pagpapahirap na ginawa sa kanyang anak at mga kasama nito.

Nakadudurog ng puso ang Facebook post ni Prescy tungkol sa walang awang pagpatay sa anak niya.

Pahayag niya (published as is): "Kahit kailan hindi ako nagsalita ng masakit laban sa mga taong dumukot sa anak ko..,pero ngaun parang sasabog ako sa nalaman ko na pinahirapan at sinaktan nyo ng sobra ang anak ko

"mga hayop kau, mga demonyo, wala kaung kaluluwa. masunog sana kau sa impyerno ng higit sampung beses

"awang awa ako sa anak ko,..sa sobrang sakit at hirap ng dinanas mo sa kamay ng mga hayop na iyan

"wala kaung karapatan mabuhay sa mundo .."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Family and colleagues pay tribute to Cocoy Laurel

LUIS MANZANO JOINS CALL FOR JUSTICE

Kabilang ang TV host na si Luis Manzano sa mga nananawagan para mabigyan ng hustisya ang karumal-dumal na pagpatay kina Alumno, Olarte, at Ortega.

Personal na nakiramay si Luis sa pamilya ng mga biktima.

luiz manzano olarte family
Luis Manzano visits the wake of John Luis Olarte in Calatagan, Batangas.
Photo/s: Courtesy of Luis Manzano
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakipag-ugnayan din siya kay Calatagan Mayor Peter Oliver Palacio at sa Calatagan Police para sa tulong at suportang maibibigay niya sa mga pinaslang na kababayan.

Ipinagluksa ng mamamayan ng Calatagan ang pagkamatay ng goat dealers sa pamamagitan ng Sangguniang Bayan Resolution No.91, ang pagdedeklara bilang A Day of Mourning o Araw ng Pagdadalamhati noong Hunyo 5, bilang parangal at paggunita sa alaala nina Olarte, Ortega, at Alumno.

Ibinaba sa half-mast ang lahat ng watawat ng Pilipinas sa Calatagan noong Hunyo 5 bilang tanda ng sama-samang pagluluksa at pagbibigay-galang sa mga pinatay na goat dealers.

Read: PBB Celebrity Collab Edition voting system, makatarungan ba?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The murdered goat dealers from Calatagan, Batangas: (from left) Gerry Ortega, John Luis Olarte, and Ronald Alumno.
PHOTO/S: Calatagan, Batangas LGU Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results