PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Indian billionaire, namatay matapos umanong makalunok ng bubuyog

Mga labi ni Sunjay Kapur, hindi pa naiuuwi sa India.
by Jojo Gabinete
Published Jun 17, 2025
sunjay kapur death
Indian auto components billionaire Sunjay Kapur passes away after reportedly swallowing a bee while playing polo in England. Kapur was the ex-husband of Bollywood actress Karisma Kapoor (inset).
PHOTO/S: Sona Comstar / X

Hindi pa maiuwi sa India ang bangkay ng billionaire businessman na si Sunjay Kapur dahil sa ilang legal na problemang may kinalaman sa kanyang U.S. citizenship.

Si Kapur ang ex-husband ng popular Bollywood actress na si Karisma Kapoor.

Read: Family and colleagues pay tribute to Cocoy Laurel

Marami ang nagimbal sa paraan ng pagkamatay ni Kapur.

Pumanaw si Kapur sa edad na 53, noong Hunyo 12, 2025, dahil sa atake sa puso habang naglalaro ng polo sa Guards Polo Club sa Egham, England.

Pinaniniwalaang nakalunok ng bubuyog si Kapur, at kinagat siya nito sa loob ng kanyang bibig.

Nagdulot ito ng anaphylactic shock o grabeng allergic reaction na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Isang U.S. citizen si Kapur, na matalik na kaibigan ni Prince William.

Dahil binawian ng buhay si Kapur sa England, maraming legal na proseso ang kailangan para maibalik at mailibing sa India ang kanyang mga labi.

Nakiramay pa ang bilyonaryo sa mga nasawi sa Air India crash ilang oras bago siya namayapa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naka-post sa X (dating Twitter) account ni Kapur ang kanyang mensahe ng pakikiramay: “Terrible news of the tragic Air India crash in Ahmedabad.

"My thoughts and prayers are with all the families affected. May they find strength in this difficult hour."

Read: Zeinab Harake, nilinaw ang mga isyu sa kasal nina ni Bobby Ray Parks Jr.

WHO WAS SUNJAY KAPUR?

Si Kapur ang chairman ng Sona BLW Precision Forgings Ltd. (Sona Comstar), ang nangungunang kompanya sa paggawa ng automative parts sa India.

Ayon sa Forbes, US$1.2 billion ang kanyang personal net worth.

Halos US$4 billion naman ang market value ng kanyang negosyo.

Inaasahang kabilang sa kanyang mga tagapagmana ang dalawang anak ni Kapur kay Karisma Kapoor at ang isang anak nila ni Priya Sachdev.

Ikinasal sina Sunjay Kapur at Karisma Kapoor noong Setyembre 2003 sa itinuturing na pinakamalaking kasalan sa Bollywood.

Pero humantong sa diborsiyo ang kanilang pagsasama noong 2014.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Opisyal na naghiwalay ang dalawa noong 2016.

Si Karisma ay kapatid ng sikat ding Bollywood actress na si Kareena Kapoor, na asawa naman ng equally popular Indian actor na si Saif Ali Khan.

Makalipas ang sandaling panahon, nakilala at pinakasalan ni Kapur si Priya Sachdev, na siyang kinakasama niya hanggang bawian ng buhay ang bilyonaryo noong Hunyo 12.

Hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag sina Karisma at Priya tungkol sa pagpanaw ng ama ng kanilang mga anak.

Read: Marian Rivera's "cryptic" TikTok repost sparks buzz online

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Indian auto components billionaire Sunjay Kapur passes away after reportedly swallowing a bee while playing polo in England. Kapur was the ex-husband of Bollywood actress Karisma Kapoor (inset).
PHOTO/S: Sona Comstar / X
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results