PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gerald Sibayan, hindi totoong nakabalik na ng Pilipinas

Gerald Sibayan, madalas umanong makitang may kasamang babae sa Amerika.
by Jojo Gabinete
Published Jun 18, 2025
gerald sibayan ai-ai delas alas brealup
Rumors are circulating that Gerald Sibayan, estranged husband of Ai-Ai delas Alas, has returned to the Philippines after the comedienne revoked her U.S. citizenship petition for him. Sources say that this information is not true.
PHOTO/S: Ai-Ai delas Alas Instagram

Walang katotohanan ang balitang bumalik na ng Pilipinas ang estranged husband ni Ai-Ai delas Alas na si Gerald Sibayan.

Ito ay matapos magdesisyon si Ai-Ai na bawiin ang Petition for Alien Relative para magkaroon ng green card at maging permanent U.S. resident si Gerald noong maayos pa ang kanilang pagsasama.

Inihain ni Ai-Ai ang apelang i-revoke ng U.S. Citizenship and Immigration Services (USCIS) ang petisyon niya para kay Gerald noong Enero 8, 2025.

Naaprubahan ito noong Marso 17, 2025.

Read: Ai-Ai delas Alas's green card petition for Gerald Sibayan revoked

Ang pagkakaroon umano ng third party sa kanilang pagsasama — na dahilan para hiwalayan siya ni Gerald — ang isa sa mga rasong sinabi ni Ai-Ai sa USCIS kaya binawi niya ang kanyang Petition for Alien Relative.

Nakasaad sa sulat na natanggap ni Ai-Ai mula sa USCIS: “After a thorough review of your petition and the record of evidence, we must inform you that the approval of your petition has been automatically revoked.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ai-Ai, ipinaliwanag bakit binawi ang petition para kay Gerald

GERALD SIBAYAN STILL IN THE U.S.

Ilang linggo matapos lumabas ang balitang automatically revoked ang petisyon ni Ai-Ai para kay Gerald, kumalat ang balitang umuwi na ng Pilipinas si Gerald para mag-umpisa ng bagong buhay.

Pero hindi totoo ang balitang naririto sa Pilipinas si Gerald.

Ayon sa impormasyong nakalap ng Cabinet Files, nakasaad sa tala ng Bureau of Immigration na noong Agosto 2021 pa ang petsa ng last departure niya.

Mula noon, hindi pa siya bumabalik sa bansa.

Magkasama sina Ai-Ai at Gerald na bumiyahe sa U.S. noong Agosto 2021 dahil sa plano nilang manirahan nang permanente sa Amerika.

May mga espekulasyong maaaring sinadyang palutangin ang balitang umalis na si Gerald sa U.S. dahil “out of status” na siya o hindi na legal ang pananatili niya sa naturang bansa.

Read: “No One Passed”: Netizens react to Special Board Exam results

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero may mga sighting sa kanyang madalas umanong kasama ang isang babae na hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan.

Maraming mga Pilipino sa San Francisco, California, ang nagpapatunay na nakikita nila si Gerald sa Union City at Fremont noong mga panahong napapabalitang umuwi na siya sa Pilipinas.

Pamilyar ang mga Pilipino sa Amerika sa hitsura ni Gerald dahil sa mga larawan nila ni Ai-Ai na nakikita sa social media noong masaya pa ang kanilang pagsasama.

Nagwakas ang relasyon ng dalawa dahil sa Viber message na ipinadala ni Gerald kay Ai-Ai noong Oktubre 14, 2024.

Nakasaad dito na nakikipaghiwalay na si Gerald kay Ai-Ai dahil hindi na siya masaya.

Hindi pa naglalabas ng anumang pahayag si Gerald matapos lumabas ang balitang hiniwalayan niya si Ai-Ai.

Read: Zeinab Harake, nilinaw ang mga isyu sa kasal nina ni Bobby Ray Parks Jr.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rumors are circulating that Gerald Sibayan, estranged husband of Ai-Ai delas Alas, has returned to the Philippines after the comedienne revoked her U.S. citizenship petition for him. Sources say that this information is not true.
PHOTO/S: Ai-Ai delas Alas Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results