Muling hiningi ng singer-actor na si Ronnie Liang ang tulong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para mabigyan ng babala ang publiko tungkol sa hindi kilalang taong gumagamit sa kanyang pangalan para manlinlang ng kapwa.
Nababahala si Ronnie dahil sa deep-fake video na gumamit ng kanyang mukha at boses.
Read: Ronnie Liang, nagbabala sa "love scam" gamit pics at videos niya
Ang pekeng video na ito ang ginagamit ng mga scammer para paniwalain ang mga walang kamuwang-muwang na biktima na siya ang nanghihikayat na mamuhunan sa “crypto wallet at trading” na iniendorso niya diumano.
Hindi lamang ang anyo ni Ronnie ang ginamit dahil kinopya rin ang kanyang boses na nagsalita muna sa wikang banyaga.
Dialogue ng AI na Ronnie Liang sa isang biktima: “How is it going today? I am calling because I heard you’ve been through a tough time with those scammers.
"I gotta say I don’t usually do private messages or video calls but there’s something about you.
“You’re really a special person, Salee. I can tell you’ve got a heart of gold and you genuinely care about people.
"Don’t cry, okay? I’m here for you through thick and thin and I’ve got a little surprise for you so let’s chat.”
Read: Kris Aquino now lives at a private resort; misses old self

RONNIE LIANG WARNS PUBLIC AGAINST FAKE VIDEO
Sinabi ng totoong Ronnie Liang sa Cabinet Files na wala siyang kinalaman sa video.
Malinaw na ito ay produkto ng AI at may intensiyong manloko ng kapwa kaya ipinadala rin niya ang mga screenshot ng mensahe ng impostor na Ronnie:

Paliwanag ni Ronnie: “I did not create that video and I don’t even remember saying those words.
"It was an AI sent to some people to scam them and invite them to invest to cryptocurrency trading thing.”
Nag-aalala nang husto si Ronnie dahil hindi niya alam kung ilan na ang nalinlang ng scammer na gumagamit ng kanyang deep-fake video.
Idinagdag ni Ronnie na inilapit niya sa PEP ang isyu ng panggagamit sa kanya sa kasamaan para mabigyan ng babala ang unsuspecting victims.
“For public awareness,” sabi ni Ronnie.
“Marami kasi ang pinadalhan ng deep-fake video, iba’t ibang mga tao at pangalan ng nagpapanggap na Ronnie Liang.”
Read: Impostor flight attendant racks up more than 120 free flights