Ang husay sa pagkanta na ipinamalas ni Airwoman Therese Digol ng Philippine Air Force (PAF) ang nag-udyok kay Allan K. kaya sinabi nitong dapat ibalik ang "Singing Soldier" contest ng Eat Bulaga!.
Nagsimula ang "Search For Singing Soldier" ng longest-running noontime variety show noong 1986.
Dalawampu’t limang taon na ang nakararaan buhat nang ihinto noonmg 2020 ang patimpalak para sa mga magigiting na sundalo na may talento sa pag-awit, hanggang maalaala ito ni Allan K. dahil kay Therese.
Read: Cocoy Laurel's cause of death revealed
Kasama ang ibang mga miyembro ng PAF, pinanood ni Therese ang Eat Bulaga! sa TV5 studio noong Miyerkules, Hunyo 18.
Sa "The Clones" segment ng programa, nilapitan ng singer at comedian na si Ian Red si Therese para hingan ng song request.
Nang magtanong si Ian kay Therese kung marunong itong kumanta, “Oo” ang sagot niya kaya nahilingan siyang magbigay ng sample.
Ang "Bakit Nga Ba Mahal Kita?", ang hit song ni Roselle Nava noong 1994, ang inawit ni Therese.
Dahil sa galing nito, pumalakpak at pinuri siya ng lahat ng mga host ng Eat Bulaga!, kabilang sina Senator Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.
Napanganga pa nga ang co-host na si Julia Barretto.
Pagmamalaki ang naramdaman ng PAF kaya binati nila si Therese sa impromptu performance, madamdamin at pangmalakasang pagkanta na ipinakita nito at hinangaan ng manonood.
Read: Gerald Sibayan, hindi totoong nakabalik na ng Pilipinas
THERESE DIGOL'S SINGING CONTESTS JOURNEY
Ang paglabas ni Therese sa Eat Bulaga! ang dahilan para magkaroon ng interes sa kanya ang publiko.
Napag-alamang bata pa lamang, sumasali at nananalo na si Therese sa iba’t ibang mga singing contest.
Si Therese ay miyembro ng PPop Idols Manila.
Bilang airwoman ng Philippine Ai Force, nagtatanghal siya at ang kanyang mga kasama sa mga benefit concert.
Isa sa mga sinalihan ni Therese noong teenager siya ay ang Season 2 ng The Voice of the Philippines noong 2014.
Pero hindi siya pinalad makapasa sa audition na idinaos sa Resorts World Manila, Pasay City, noong Enero 2014.
Makalipas ang labing-isang taon, saka siya napansin dahil sa pagkanta niya bilang studio audience sa "The Clones" segment ng Eat Bulaga!.
Tuwang-tuwa si Therese sa kanyang exposure sa Eat Bulaga! at sa mga papuring natatanggap kaya ipinarating niya ang pasasalamat sa pamamagitan ng Facebook post.
Mensahe niya:“ Maraming-maraming salamat po sa inyo, lalong-lalo na po sa nagbigay ng talentong ito, ang ITAAS! Di ko kaya ang lahat kung hindi dahil sa’yo AMA!”
Read: Showbiz History: Role ni Elizabeth Oropesa sa Apocalypse Now, napunta kay Gigi Duenas