PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Raheel at Anton, nalungkot sa pagtatapos ng Mga Batang Riles

Raheel Bhyria, naiyak sa last taping day ng Mga Batang Riles.
by Jojo Gabinete
Published Jun 19, 2025
raheel bhyria anton vinzon mga batang riles
Raheel Bhyria (left) and Anton Vinzon (right) talk about how they felt on their last taping day for Mga Batang Riles.
PHOTO/S: GMA Network

Napaluha si Raheel Bhyria sa huling araw ng taping ng Mga Batang Riles noong Miyerkules, Hunyo 18, 2025, dahil sa lungkot na kanyang nararamdaman.

Mahigit isang taong nakasama ni Raheel ang kanyang co-stars at ang production staff ng primetime action-drama series ng GMA-7.

Nasanay na raw siyang palagi silang nagkikita kaya ikinalulungkot niya ang pagwawakas ng kanilang programa sa Biyernes, Hunyo 20.

Read: Kris Aquino now lives at a private resort; misses old self

“Hindi ko napigilang hindi umiyak. Sobra, kasi siyempre araw-araw kaming magkakasama tapos biglang hindi na," kuwento ni Raheel nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Huwebes, Hunyo 19.

“Kahit magkikita pa rin kami, iba pa rin yung nagkikita kami sa taping. Tapos siyempre, yung production staff, sobrang naging ka-close ko sila.

“Tumatambay ako kasama sila, sa likod ng mga portalet.

"Yung staff mismo, kapag naiinis sila dahil matigas ang ulo ko minsan... Na-injure ako sa tuhod, na-hassle sila, kaya nag-sorry ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mga kapatid ko” ang term of endearment ni Raheel sa kanyang Mga Batang Riles co-stars na sina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Bruce Roeland, at Anton Vinzon.

Sa senior stars ng Mga Batang Riles, naging malapit daw nang husto si Raheel kina Ronnie Ricketts, Lara Morena, at Diana Zubiri.

Read: Female soldier, pinabilib ang hosts at audience ng Eat Bulaga! dahil sa galing kumanta

mga batang riles
Mga Batang Riles cast: (L-R) Raheel Bhyria, Bruce Roeland, Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, and Anton Vinzon.
Photo/s: GMA Drama Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANTON VINZON'S INVESTMENTS FROM MGA BATANG RILES TF

Ikinalulungkot din ni Anton ang pagtatapos ng Mga Batang Riles.

Bukod sa nakatagpo siya ng bagong pamilya, ang programang ito ang kauna-unahang proyekto niya sa GMA-7 bilang aktor.

Sa edad na 17, marami nang naipundar si Anton mula sa kanyang inipong talent fee sa Mga Batang Riles.

Sinabi ni Anton na nakabili na siya ng sasakyan na siya ang nagbabayad ng monthly amortization.

Nakapagbukas din siya ng Samgyup restaurant sa bayan nila sa Mexico, Pampanga.

Lahad niya sa Cabinet Files: “Nakabili na po ako ng sasakyan, yung BYD. Ako na po ang nagbabayad ng monthly payment at saka ako ang nagbayad ng downpayment.

“Nagbukas din po kami ng Samgyup restaurant sa Mexico, Pampanga, dahil konti lang ang mga kainan dun.

"Toronto Hive ang pangalan niya. Ang kapatid ko po ang nagma-manage."

Sinisiguro raw ni Anton na pinupuntahan niya ang kanyang negosyo kapag wala siyang mga showbiz commitment.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Anton ay anak ng action star na si Roi Vinzon.

Buo na raw ang plano nila ng kanyang ama na magtayo ng spa at restaurant sa boundary ng Binangonan at Angono, Rizal.

Pinili ng mag-ama ang naturang lugar dahil malapit ito sa kanilang tahanan, ayon kay Anton.

Read: Zeinab Harake, nilinaw ang mga isyu sa kasal nina ni Bobby Ray Parks Jr.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Raheel Bhyria (left) and Anton Vinzon (right) talk about how they felt on their last taping day for Mga Batang Riles.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results