Ibinalik na ni Abdul Raman ang kanyang 15-anyos na kapatid na lalaki sa pangangalaga ng kanilang estranged father dalawang buwan na ang nakalilipas.
Ang nasabing kapatid ni Abdul ay may high-functioning autism.
Si Abdul ang 22-year-old Filipino-Egyptian actor na nagkaroon ng showbiz career matapos niyang sumali sa Season 7 ng StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA 7, noong 2019.
Read: Abdul Raman nangangamba pa rin sa kalagayan ng inang na-stroke
Nagsimula ang mga pagsubok sa buhay ni Abdul nang ma-stroke ang kanyang inang si Joyettes Geronimo Santos noong Hulyo 2021.
Mula noon, si Abdul ang naging breadwinner ng kanilang pamilya, at nag-alaga sa nanay niyang nananatiling bedridden at sa kanyang nakababatang kapatid.
Parang anak daw ang turing ni Abdul sa kapatid nito.
Masakit mang magkalayo sila, gumawa siya ng mabigat na desisyon ngunit itinuturing niyang karapat-dapat — ang ipaubaya sa tatay niya ang pag-aalaga at pagpapaaral sa bunsong kapatid.
“Malungkot na magkahiwalay kami pero nakakasiguro akong mabibigyan ng edukasyon ng father ko ang kapatid ko,” pahayag ni Abdul sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files.
Hindi alam ni Abdul kung kailan sila muling magkikita ng kanyang kapatid dahil naninirahan sa malayong bansa ng Oman ang kanilang ama.
Read: Abdul Raman opens up about conflict with Egyptian father
ABDUL RAMAN NO LONGER PART OF SPARKLE GMA ARTIST CENTER
Sa ngayon, solo si Abdul sa pag-aalaga sa kanyang ina.
Pero hindi siya nawawala ang pag-asa niyang darating ang araw ng tagumpay, kahit hindi na siya nag-renew ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center, ang talent management company ng GMA Network, Inc.
Umalis si Abdul sa Sparkle noon pang Okrubre 2024.
Paliwanag niya sa pasyang lisanin ang Sparkle: “I just want to explore other options sa acting career ko.
"Self-managed po ako ngayon, okay lang naman, and I’m looking forward to my freelance career.”
Read: Trans woman Kylie Celebre falls in love with trans man Jan Pablo
Hindi man siya napapanood ngayon sa mga programa ng Kapuso Network, visible si Abdul sa telebisyon dahil sa mga TV commercial na kanyang ginawa at nakuha niya dahil sa masigasig niyang pagpunta sa mga casting call.
Malaking tulong para kay Abdul ang mga kinikita nito sa TV commercials dahil nagagamit niya sa mga pang-araw-araw na gastos tulad ng pambili ng gamot ng nanay niya.
Pero tanggap ni Abdul ang katotohanang iba pa rin kapag may pelikula at regular TV show siya kaya gusto niyang ipagpatuloy ang pagiging artista.
“I still want to continue po and I’ve learned to be grateful for all the blessing kasi ang bilis ng panahon,” sabi ni Abdul.
Sa kasalukuyan ay sinusubukan ni Abdul na pumasok sa maraming negosyo para may pagkakitaan siya.
Ang Aboodybakes, ang online business ni Abdul, ang isa sa kanyang mga pinagkakaabalahan.
Homemade sweets na siya ang personal na gumagawa ang mabibili mula sa online business ni Abdul, na nagsusumikap dahil ayaw umano niyang kinaaawaan siya.
“I don’t want to be pitied,” sabi niya.
Buo ang paniniwala ni Abdul na darating ang araw na magtatagumpay siya at mapagtatagumpayan niya ang lahat ng mga pinagdaraanang pagsubok.
Read: Shuvee Etrata finally admits real score with Anthony Constantino