Suportado ng maraming netizens ang planong pagsasampa ng kaso ng pamunuan ng Alfamart laban sa content creator na si Vivian Bravo Vinuya dahil sa pagpasok nito sa loob ng freezer.
Ang freezer ay kinalalagyan ng tube ice na ipinagbibili sa convenience store.
Pumasok si Vinuya sa freezer at nagpakuha ng video para gamiting content sa kanyang vlog.
Umani ito ng mga batikos at pagkondena mula sa netizens dahil sa inasal niya.
Sinabi ng pamunuan ng Alfamart, sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag, na mapipilitan silang maghain ng reklamo laban kay Vinuya dahil, bukod sa mali ang kanyang ginawa, hindi siya karapat-dapat tularan ng ibang mga tao.
Read: Abdul Raman, ibinalilk ang kapatid na may autism sa kanilang estranged father
Pahayag ng Alfamart: “This is to address the videos and photos circulating on social media that depict the unauthorized and harmful use of our store equipment.
"Alfamart takes this very seriously and we have already launched a thorough investigation into the matter.
“Please understand that we are compelled to pursue legal action against those responsible for the improper use of our store equipment.
"This also extends to any other individuals who may imitate or adopt similar behavior, as it is crucial for us to protect our company’s brand and reputation.
“We also wish to assure the public that upon discovering the incident, we took swift action.
"All ice products were immediately removed, the storage equipment was thoroughly cleaned and sanitized, and new ice products were replaced.
"We would always uphold our commitment to maintaining the highest standards of hygienic practices and safety measures to protect our valued customers.”
CONTENT CREAtOR SPEAKS UP
Sa tulong ng netizens, mabilis na natukoy ang kinaroroonan ni Vinuya sa isang bayan sa Pampanga.
Binura na sa Facebook page ni Vinuya ang video ng paglapastangan niya sa kagamitan ng Alfamart, matapos maglabas ng babala at paalaala ang pamunuan ng convenience store.
Pero unapologetic si Vinuya sa lumabas na video ng mga sagot niya sa isyu na kanyang inumpisahan.
Natatawa pa siya sa mga pahayag niya.
Read: Meet Mad Ramos, the first Sparkle Campus Cutie winner
Saad niya: “Bahala sila, sanay na ako kung anong sinasabi nila sa akin. Totoo man ba o hindi, kaplastikan na lang.”
May sagot din siya sa komentong nagkukumpara sa kanya sa "bilasang isda" at umasim umano ang yelo na ibinebenta ng convenience store.
Sabi ng controversial content creator: “Hindi ako isda, tao ako. Bakit aasim [ang yelo] bagong ligo ako nun.
"Hindi dirty yung naka-plastic di ba? Pag nakabukas yon, madumi na.
"Kung alam lang namin, binili na namin yun. Sinikap pa namin, di ba?"
Aniya pa: "Nakaka-stress. Di na natanggal yung stress ko, kanina pa.”
Nagbigay rin ng mensahe si Vinuya para sa pamunuan ng Alfamart.
Aniya, “Pasensiya kung nagawa ko yun. Try again ulit.”
Base sa kanyang arogante at tatawa-tawang pahayag, tila hindi nagsisisi si Vinuya.
Pero dapat ding maging maingat at mapanuri ang publiko sa paghuhusga kay Vinuya. Nagsilitawan kasi ang mga fake Facebook accounts nito mula nang umingay ang kanyang social media stunt.
At lahat ay dahil lang sa kagustuhan niyang dumami ang followers at mapagtuunan ng atensyon.
Read: Klarisse de Guzman declares on It's Showtime: "I love you, Trina"