PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho, inilunsad ang The Scar Project

Personal driver ni Piolo Pascual, napaayos ang mukha dahil kina Vicki ay Hayden,
by Jojo Gabinete
Published Jun 22, 2025
hayden kho vicki belo the scar project
Dr. Hayden Kho and Dra. Vicki Belo of Belo Medical Group are looking for seven individuals who have scars and unique stories to tell. Inset photo: Rissan Mueslos, personal driver of actor Piolo Pacual, who restored his confidence through the help of the celebrity couple.
PHOTO/S: @dochayden on Instagram

Nasira ang mukha ni Rissan Mueslos noong panahon ng pandemya dahil sa humiwalay na blade ng chainsaw na hawak niya at tumama sa kanya habang may ginagawa siya sa resthouse ni Piolo Pascual sa Batangas.

Si Rissan ang matagal nang personal driver ni Piolo.

Nang mangyari ang freak accident, agad tumawag ang aktor sa mag-asawang Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho Jr. para magtanong sa dapat gawin.

Read: Michelle Madrigal hopes to get pregnant amid autoimmune disorder

Kuwento ni Hayden sa Cabinet Files ngayong Linggo, Hunyo 22, 2025: “Itinawag sa amin ni PJ [Piolo] ang nangyari sa driver niya na na-slice ang mukha.

"Itinanong niya kung ano ang puwedeng gawin kasi nga itinakbo sa ospital.

“Idinikit muna ang mukha ng driver niya pero iba na yung hitsura.”

Sa tulong nina Vicki at Hayden, naayos ang mukha ni Mueslos.

Tumagal ng anim na buwan ang pag-aayos sa mukha ni Mueslos bago bumalik ang kanyang normal na hitsura.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nalaman ng publiko ang nangyari sa kanya dahil hindi ito inanunsiyo sa publiko.

Read: Sam Milby undergoes new treatment to "reverse" diabetes

rissan mueslos
Before and after photos of Rissan Mueslos, personal driver of actor Piolo Pascual.

THE SCAR PROJECT

Matagal nang adbokasiya nina Vicki at Hayden ang pagtulong sa mga taong may problema sa pisikal na kaanyuan at inaalalayan para bumalik ang tiwala sa sarili.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa pangunguna nina Vicki at Hayden, opisyal na inilunsad ng Belo Medical Group ang The Scar Project noong Hunyo 10.

Layunin nitong maghanap ng pitong magigiting na tao na may peklat at may kuwentong maghahatid ng inspirasyon sa mga nawawalan ng pag-asa.

Saad ni Hayden: “Hopefully by August 8, sa 35th anniversary ng Belo Medical Group, ma-announce na yung mga napili namin.

“May lead doctor at may lead celebrity ambassador na mag-e-encourage sa kanila ang pitong pasyenteng mapipili namin na walang gagastusin dahil free of charge lahat, including psychiatric help at kung kinakailangan ng speech therapy.”

Read: Dog is saved moments before euthanasia in dramatic rescue

Sina Alden Richards at Miss Universe 2018 Catriona Gray ang mga spokesperson ng The Scar Project.

Samantalang sina Mateo Guidicelli, Sarah Geronimo, Bianca Umali, Donny Pangilinan, Iza Calzado, Isabelle Daza, Julia Barretto, at Korina Sanchez ang mga gagabay sa pitong pasyente.

“For 35 years, expert na kami sa pagpapaganda pero ngayon ang hinahanap namin, mga taong hindi kawawa. Mga taong may kuwento tungkol sa kanilang healing journey,” sabi ni Hayden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinaliwanag ni Hayden ang paraan ng pagpili nila sa mga makikinabang sa The Scar Project.

“Una, tinitingnan namin kung kaya ba namin o hindi.

"Pangalawa, yung story ang importante, stories of courage, yung nakaka-inspire. Nandiyan kami, tutulong kami. Pipiliin ka namin.

“Hindi kailangang mahirap o mayaman. Walang limit ang edad, kahit baby puwede. Mag-submit lang sila ng story nila sa www.beloscarproject.com.

“Yung iba ang isina-submit, videos. Gumagawa pa nga sila ng powerpoint.

"Medyo mahirap pumili pero may capabilities naman kami.

“Hindi kasali sa pagpili ang celebrity ambassadors namin, pero halimbawa, kung sundalo ang napili, ima-match namin siya kay Matteo dahil scout ranger [reservist] ito.”

Read: Two PBB ex-housemates pass board exam for dentists

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dr. Hayden Kho and Dra. Vicki Belo of Belo Medical Group are looking for seven individuals who have scars and unique stories to tell. Inset photo: Rissan Mueslos, personal driver of actor Piolo Pacual, who restored his confidence through the help of the celebrity couple.
PHOTO/S: @dochayden on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results