PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TJ Monterde, Dionela, Elias J. Tv. in demand sa Amerika

Beteranong singers, hindi na gaanong mabenta ang concert tickets sa Amerika.
by Jojo Gabinete
Published Jun 25, 2025
tj monterde dionela elias j. tv
Relatively new singers (from left) TJ Monterde, Dionela, and Elias J. Tv. are making waves in the concert scene in the U.S., according to concert promoters and producers.
PHOTO/S: Instagram

Palaisipan sa mga producer at promoter ng concerts sa Amerika ang mahinang ticket sales ng pagtatanghal ng mga sikat na entertainment personality mula sa Pilipinas.

Pinag-aaralang mabuti ng concert producers at promoters ang mga posibleng dahilan.

Kabilang na rito ang mahal na presyo ng tickets, pagkasawa sa paulit-ulit na pagtatanghal ng mga iniidolong Pinoy singers, o nagkaedad na ang kanilang mga tagasuporta na meron nang ibang pinagkakaabalahang higit na kapaki-pakinabang.

Pero palaisipan din sa U.S. concert producers at promoters ang malakas na hatak ng mga baguhang singer na gumagawa pa lamang ng pangalan sa Pilipinas gaya nina TJ Monterde, Dionela, at Elias J. Tv.

Marami ang mga nanood sa U.S. shows ni TJ noong Marso 2025.

Malakas din ang benta ng tickets para sa mga concert ni Dionela, ang mang-aawit na nagpasikat sa "Marilag."

Read: BINI concert sa Vancouver, kumusta ang ticket sales?

ELIAS J. TV. IN AMERICA

Inaabangan din ang U.S. tour ni Elias J. Tv. na meron nang 6 million Facebook followers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi lamang siya popular sa masang Pilipino dahil kilala na rin siya ng mga kababayan natin sa Amerika na nasasabik nang mapanood ang pagtatanghal niya sa Setyembre 2025.

May mga espekulasyong malaki ang kinalaman ng iba’t ibang mga social media platform sa popularidad at tagumpay na tinatamasa ngayon nina TJ, Dionela, at Elias kaya kilala na rin sila sa Amerika at sa ibang panig ng mundo na may mga naninirahang Pilipino.

Tungkol naman sa mga sikat na Filipino singers na dating namamayagpag sa concert scene sa Amerika, dapat umanong tanggapin nila ang katotohanang palipas na ang kanilang kasikatan, at panahon na ngayon ng mga kabataang mang-aawit na mga kabataan din ang mga taga-hanga.

Bukod sa patapos na ang panahon ng mga beteranong mang-aawit, nahihirapan na rin ang U.S.-based concert producers na bigyan sila ng mga show dahil sa matataas na talent fee na kanilang hinihingi at maraming entourage o kasama na malaking karagdagan sa gastos sa pamasahe, pagkain, at hotel accommodation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Daniel Miranda reveals he was blocked by Sofia Andres on Instagram

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Relatively new singers (from left) TJ Monterde, Dionela, and Elias J. Tv. are making waves in the concert scene in the U.S., according to concert promoters and producers.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results