PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dalawang aktres, trying hard sa pagiging Inglesera

Dalawang aktres, malaki na ang ipinagbago.
by Jojo Gabinete
Published Jun 25, 2025
blind item
PHOTO/S: Canva

Kinumpirma ng isang malapit sa aktres na nagbago na ang ugali nito.

Mula sa pagiging simple ay Inglesera na ito at paintelektuwal ang mga sagot sa mga dinadaluhang media conference, interbyu, at pati sa pakikipag-usap sa mga tao.

Kahit sa wikang Pilipino ang mga tanong sa aktres, Ingles pa rin ang mga sagot nito.

Hindi na ito natural sa paningin at pakiramdam ng mga nakakakilala sa kanyang nasubaybayan ang kanyang showbiz journey.

Maaaring magaling na magaling ang tingin ng aktres sa sarili dahil English-speaking na siya, pero lihim siyang pinagtatawanan ng mga tao sa paligid dahil trying hard na trying hard na ang dating niya.

Read: Ivana Alawi addresses netizens tagging her as "homewrecker"

THE "REINVENTION" OF TV ACTRESS

Pareho ang inaasal ngayon ng aktres at ng kapwa nito aktres na bida sa isang TV program.

Mula nang mabigyan ng sariling TV show ang aktres, malaki ang ipinagbago ng kanyang personalidad dahil naging Inglesera na rin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinausap ng aktres ang isang prominent TV personality at humingi ng payo para sa reinvention na plano niya sa sarili, tulad ng personality development at pagsasalita ng American language.

Maganda ang hangarin ng aktres na matuto, pero hindi pabor ang mga tao sa paligid niya sa kanyang kagustuhang mag-level up.

Diumano, unti-unti nang nagbabago ang ugali ng aktres at nawawala na ang mga katangian niyang minahal ng publiko kaya tinangkilik nila ang kanyang programa.

Naging mapagpatol na rin ang aktres sa mga isyu dahil binubuhay nito ang mga lumang kontrobersiyang kinasangkutan na siya rin ang may kagagawan pero ibang tao ang sinisisi.

Ang pagbabago ng ugali at “reinvention” ng aktres sa sarili ang itinuturong dahilan kaya nabawasan na ang kanyang mga tagahanga at ang matibay na ebidensiya ay ang mababang ratings ng kanyang TV show.

Read: Daniel Miranda reveals he was blocked by Sofia Andres on Instagram

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results