PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pumanaw na fan ni Juan Karlos, nagtapos na magna cum laude

Mga magulang ni Trisha Macalagay, dala ang framed photo ng pumanaw na anak.
by Jojo Gabinete
Published Jun 27, 2025
trisha macalagay magna cum laude
Trisha Macalagay, who perished in a fire incident at Laguna State Polytechnic University on March 13, 2025, was supposed to graduate magna cum laude after finishing Bachelor of Science in Biology, Major in Animal Biology.
PHOTO/S: Trisha Macalagay Instagram / Nhorcy De Robles of Cyphoto

Nagtapos na Magna Cum Laude si Trisha Macalagay para sa kursong Bachelor of Science in Biology, Major in Animal Biology. Pero hindi niya personal matatanggap ang parangal dahil sumakabilang-buhay na siya noong Marso 13, 2025.

Si Trisha ang 22-year-old beauty queen at graduating student ng Laguna State Polytechnic University (LSPU) sa Sta. Cruz, Laguna.

Pumanaw si Trisha dahil sa sunog na nangyari sa ikalawang palapag ng gusali ng LSPU.

Masugid siyang tagahanga ng singer-actor na si Juan Karlos.

Read: Juan Karlos, bumisita sa lamay ng yumaong beauty queen sa Laguna

Naganap ang Recognition Day ng LSPU para sa mga estudyanteng magtatapos noong Huwebes ng umaga, Hunyo 26.

Ang mga nagdadalamhating mga magulang ni Trisha ang dumalo at tumanggap sa academic honor ng kanilang anak.

Dala ng mga magulang ni Trisha ang kanyang framed photo na may pirma ni Juan Karlos nang umakyat sila sa entablado.

trisha macalagay parents
Trisha Macalagay's parents receive her medals and certificates during the Recognition Day of Laguna State Polytechnic in Sta. Cruz, Laguna, on June 26, 2025.
Photo/s: Courtesy of Nhorcy De Robles of Cyphoto
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malakas na palakpakan ang tinanggap nila mula sa mga taong nagbigay-pugay sa kanila at hindi napigilang mapaluha sa nasaksihang madamdaming eksena.

“Sobrang proud kami sa iyo, anak,” pahayag ng ama ni Trisha tungkol sa achievement ng kanyang pumanaw na anak.

Nakatakda ang graduation ng mga mag-aaral ng LSPU ngayong Biyernes, Hunyo 27.

Inaasahan ang muling pagdalo ng pamilya Macalagay sa isang okasyong masaya at malungkot para sa kanila dahil sa pagkawala ni Trisha.

Read: Female celebrity allegedly involved in case of missing sabungeros

trisha macalagay parents
The grieving parents of Trisha Macalagay
Photo/s: Courtesy of Nhorcy De Robles of Cyphoto
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JUAN KARLOS VISITS TRISHA'S WAKE

Lubos ang pasasalamat ng pamilya ni Trisha kay Juan Karlos dahil pumunta ito sa burol ng dalaga pagkatapos ng concert nito sa Laguna Sports Complex, Sta. Cruz, Laguna, noong Marso 15, 2025.

Tagahanga ni JK si Trisha.

Noong nabubuhay pa si Trisha, ang mapanood ang concert at makita nang personal ang singer-actor ang kanyang pangarap.

Pero hindi ito nangyari dahil namatay siya dalawang araw bago naganap ang pagtatanghal ng iniidolo niyang singer.

Ang mapirmahan ni JK ang framed photos ni Trisha ang tanging kahilingan ng pamilya at mga kaibigan ng nasawi kaya nagpunta sila sa concert ng singer.

Hindi lamang pinirmahan ni JK ang framed photos ni Tricia dahil sa kanyang concert, inialay niya sa namatay na estudyante ang paboritong kanta nito, ang "Through The Years."

At nang matapos ang show, pumunta si JK sa funeral chapel na pinagbuburulan ng cremated remains ni Trisha at personal na nakiramay sa naulilang pamilya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Juan Karlos naghandog ng awit para kay Trisha Macalagay

juan karlos trisha macalagay family
Juan Karlos condoles with the family of Trisha Macalagay.
Photo/s: Courtesy of Macoy Fernandez
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Trisha Macalagay, who perished in a fire incident at Laguna State Polytechnic University on March 13, 2025, was supposed to graduate magna cum laude after finishing Bachelor of Science in Biology, Major in Animal Biology.
PHOTO/S: Trisha Macalagay Instagram / Nhorcy De Robles of Cyphoto
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results