PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dustin Yu, may nakaabang nang projects paglabas sa PBB

Dustin Yu, makakasama ang ilang malalaking artista sa isang MMFF movie.
by Jojo Gabinete
Published Jun 27, 2025
dustin yu pbb
PBB housemate Dustin Yu, a talent of Regal Entertainment Inc., is slated to do a movie to be submitted for MMFF 2025.
PHOTO/S: GMA Network

Tiyak na ang pagkakaroon ng mga proyekto ni Dustin Yu kapag natapos na ang partisipasyon niya sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebity Collab Edition, matalo man o manalo siya sa pinagsanib na puwersang reality show ng ABS-CBN at GMA-7.

Si Dustin ay contract star ng Regal Entertainment, Inc.

Isang malaking proyekto ang naghihintay sa kanya — ang pelikulang pagbibidahan nila ng mga sikat na artista na pinaplanong isali sa 51st Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Disyembre 2025.

Pero malalaman pa lamang ni Dustin ang pelikulang kanyang gagawin at mahirap tanggihan sa sandaling lumabas siya mula sa PBB house.

Ngayon ay kabilang si Dustin at ang ka-duo niyang si Bianca de Vera sa Final 5 duos na nasa loob pa ng Bahay Ni Kuya.

Malalaman ngayong Biyernes, Hunyo 27, at bukas, Hunyo 28, kung makakasama sila sa Big 4 na mananatili hanggang sa Big Night sa July 5.

Magkakaroon din si Dustin ng guesting sa Regal Studio Presents, ang drama anthology ng Regal Entertainment na napapanood sa GMA-7 tuwing Linggo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Suki na si Dustin ng Regal Studio Presents dahil madalas siyang napapanood sa naturang programa mula 2021 hanggang pumasok siya sa PBB bilang celebrity housemate.

Read: Pumanaw na fan ni Juan Karlos, nagtapos na magna cum laude

DUSTIN HESITANT TO JOIN PBB

Malaki ang naitulong kay Dustin ng PBB dahil nakilala siya ng publiko at nadagdagan ang bilang ng social media followers niya.

Pero ang hindi alam ng mga tao, nag-alinlangan siya noong sumali sa nabanggit na reality show.

Kabilang si Dustin sa mga may-ari ng Eraya, isang fusion restaurant sa San Juan City na nagbukas noong nakaraang taon.

Tumutulong si Dustin sa pamamahala sa Eraya at isa ito sa mga dahilan kaya nagdalawang-isip siyang pumasok sa PBB house.

Read: Ice Seguerra mourns the passing of Mommy Caring

Walang nalalaman si Dustin tungkol sa popularidad na tinatamasa nito ngayon dahil sa pagsali sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.

Sa kanyang nalalapit na paglabas mula sa PBB house, mapapatunayan ng 24-year-old Filipino-Chinese actor na tama ang desisyon niyang sumali sa sikat na reality show.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Matapos ang matagal na paghihintay, nakilala na siya ng publiko at may mga acting project na naghihintay sa kanya.

Read: PBB Celebrity Collab Edition voting system, makatarungan ba?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PBB housemate Dustin Yu, a talent of Regal Entertainment Inc., is slated to do a movie to be submitted for MMFF 2025.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results