Dalawang kandidata na may dugong Pilipino ang nagwagi sa 16th Miss Supranational, sina Anna Lakrini at Tarah Valencia.

Naganap ang koronasyon ng 16th Miss Supranational nitong Hunyo 27, 2025, sa Strzelecki Park Amphitheater ng Nowy Sacz, Lesser, Poland.
Si Lakrini ang tinanghal na first runner-up, samantalang si Valencia ang third runner-up.
Filipino-German si Lakrini pero ang Germany ang bansa na kinatawan niya dahil ang 27-year-old beauty queen ang nagwagi ng Miss Supranational Germany 2025 title nang sumali siya sa Queens of Germany na idinaos noong Abril 5, 2025, sa Berlin.

Pero bago lumahok si Lakrini sa Queens of Germany 2025, nanalo na siya ng Bb. Pilipinas-Globe title sa 59th Binibining Pilipinas na ginanap noong Mayo 28, 2023.
Si Lakrini ang opisyal na kandidata ng Pilipinas sa Miss Globe 2023 na naganap sa Albania, noong Nobyembre 17, 2023, kunsaan siya ang hinirang na second runner-up.
Nangibabaw ang pagiging Pilipino ni Lakrini sa Q&A segment ng Miss Supranational dahil ang karanasan niya sa Pilipinas ang kanyang binanggit sa tanong na, “Germany, describe a time when you felt deeply grateful? How did that moment change your perspective on life?”
Sagot ni Lakrini: “Just a couple of months ago, I worked with Caritas Manila, and one thing that I remember was this little girl coming up to me and asked me to hug her.
“And I said yes, and so many other little kids came up to me and came in for the hug, and it showed me the compassion, showed me that my From The Ground Up project is more than just love and compassion.
“It shows dignity, and I want to show the world that we are all here to show respect, love, and dignity when we come together in supranational unity.”
Ang From The Ground Up Project ay ang adbokasya ni Lakrini para sa maayos na nutrisyon sa mga batang nakatira sa mga mahihirap na komunidad.
Si Valencia ang kinatawan ng Pilipinas sa 16th Miss Supranational at si Lakrini ang isa sa mga nakatunggali niya. Third placer si Valencia sa nabanggit na patimpalak.

Lumipad sa Poland si Jonas Gaffud at ang ibang mga Pilipino para magbigay ng suport kay Valencia.
Si Gaffud ang CEO ng Empire.PH, ang may hawak ng Miss Supranational franchise sa Pilipinas.
Si Eduarda Braum ng Brazil, ang itinanghal na 16th Miss Supranational, second runner-up si Quishantely Leito ng Curacao, at si Valerie Klepadlo ng Puerto Rico, ang fourth runner-up.