PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Luis Manzano opisyal na balik-TV sa Rainbow Rumble

At may bagong powers siyang ipapakilala sa show!
by Jojo Gabinete
Published Jun 28, 2025
Luis Manzano
Opisyal na nagbabalik sa telebisyon si Luiz Manzano sa game show niyang "Rainbow Rumble."
PHOTO/S: Rainbow Rumble Facebook

Ngayong Sabado nang gabi, Hunyo 28, 2025, ang opisyal na pagbabalik ni Luis Manzano sa telebisyon matapos ang ilang buwan na pamamahinga.

Muling mapapanood si Luis bilang Rumble Master ng Rainbow Rumble, ang game show na nilikha ni Willy Cuevas na nagsisilbi rin bilang creative director ng programa.

Willy Cuevas
Ayon sa creator at creative director ng "Rainbow Rumble" na si Willy Cuevas, may bago silang "power" na ipapakilala sa show.
Photo/s: Willy Cueva Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam ng Cabinet Files kay Cuevas, ikinuwento niya ang mga bagong segment sa Rainbow Rumble na tinawag na "Atras Power" na resulta ng kanyang matinding pagsasaliksik para may bagong aabangan ang publiko sa nagbabalik-telebisyon na programa ni Luis.

“May mga bagong powers kami like 'Atras Power' na kapag nabunot mo ang power na ito, puwede mong paatrasin ang kalaban mo anytime during the game. At kapag nakaapak ka sa Lucky Tile, dodoblehin ang value ng square.

"Halimbawa, kung PHP10,000 ang Lucky Tile na naapakan, ibibigay kaagad ni Luis sa contestant ang PHP20,000.

“Kapag nasagot ang tatlo sa anim na Rapid Rumble Questions, limang DRM [Dice Rolling Machine] na lang out of 6 ang kailangan na makumpleto in a minute para manalo ng jackpot prize na PHP1 million,” paliwanag ni Willy.

Ipinagmalaki rin nito na inayos ang set ng Rainbow Rumble dahil magiging kakulay ng lahat ng ilaw sa studio ang mga kulay ng dice na lalabas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Para sa pilot episode ng Rainbow Rumble ngayong Sabado, sina Vice Ganda, Marina Summers, Jervi Wrightson, Iyah Mina, at Sassa Gurl ang mga maglalaro, samantalang mga contestant sa Linggo, Hunyo 29, ang cast ng Sins of The Father na sina Gerald Anderson, Jessy Mendiola, JC de Vera, RK Bagatsing, at Jerald Napoles.

“Sobrang saya at nakakatawa ang pilot week ng Rainbow Rumble kaya dapat panoorin,” mensahe pa ni Willy, dahil tiyak na maaaliw ang lahat sa bagong bihis na game show ni Luis na mapapanood sa Kapamilya Channel at A2Z.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Opisyal na nagbabalik sa telebisyon si Luiz Manzano sa game show niyang "Rainbow Rumble."
PHOTO/S: Rainbow Rumble Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results