PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mystery lover ng aktres, hindi ang aktor na iniuugnay sa kanya

Mystery lover, halos katunog ng pangalan ng aktor na iniuugnay sa aktres.
by Jojo Gabinete
Published Jun 30, 2025
blind item love triangle
PHOTO/S: Canva

A Case of Mistaken Identity.

Malakas ang loob at may karapatan ang isang aktor na itangging may relasyon sila ng 30-year-old actress dahil walang katotohanan ang mga balitang pilit na nag-uugnay sa kanila.

Hindi nangimi ang aktor na lumantad at magsalita para pabulaanang "other woman" niya ang aktres dahil totoo ang kanyang mga pahayag.

Malakas din ang loob ng aktres na pabulaanang may bawal na relasyon sila ng aktor dahil hindi nila kilala ang isa’t isa.

Buhat nang itanggi ng dalawa ang mga paratang, nahinto na ang mga tsismis tungkol sa kanila at hindi na ito pinag-uusapan.

Read: Paul Salas literally redefines “pa-fall” at Palawan event

WHO IS THE MYSTERY LOVER OF THE ACTRESS?

Pabor sa aktres ang pagsasalita at ang pagtanggi ng aktor dahil hindi nabulgar ang tunay na pagkatao ng kanyang inililihim na boyfriend.

Dahil dito kaya kampante na siya.

Nagmula rin sa entertainment industry ang mystery lover ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nagkakalayo ng edad ang mystery lover at ang aktor na napagkamalang boyfriend at benefactor ng aktres.

Isang kaso ng maling pagkakakilanlan ang nangyari dahil bukod sa parehong artista, halos magkatunog ang pangalan ng mga aktor.

May asawa at mga anak ang aktor na mystery lover ng aktres, at nagkaroon na rin ito ng relasyon sa ilang prominent female personalities.

Maraming beses nang nakunan ng litrato ang aktor na kasama ang mga dating girlfriend nito.

Pero ni minsan, hindi siya nagsalita, maging ang asawa niyang tahimik din at parang tinanggap na ang katotohanang mahilig sa babae ang kanyang mister.

Tila hindi na pinoproblema ni misis, na may kinalaman rin sa showbiz, ang pambababae ng kanyang asawa dahil siya ang pinakasalan at legal wife.

Read: Netizens ask: Are Barbie Forteza and Jameson Blake an item?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results