PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gretchen Barretto, nasa listahan ng sangkot sa missing sabungero?

Marami pa umanong sangkot na artista sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
by Jojo Gabinete
Published Jul 1, 2025
gretchen barretto secretary remulla
In an interview with TV reporters on June 30, 2025, DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla (right) was asked about the case of the missing sabungeros, where the name of Gretchen Barretto (left) was mentioned.
PHOTO/S: Instagram / ABS-CBN News YouTube

“I cannot comment on that yet kasi we have to validate a lot of data.”

Ito ang sagot ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa news reporters na nagtanong tungkol sa paglutang ng pangalan ni Gretchen Barretto sa listahan ng mga sabungerong nakatakdang sampahan ng reklamo.

Nakapanayam si Remulla ng news reporters mula sa iba-ibang TV stations noong Lunes, Hunyo 30, 2025.

Nadawit ang pangalan ni Gretchen dahil sa nakakaintrigang pahayag ng isang Alias Totoy na napanood sa 24 Oras noong Hunyo 26, 2025, nang eksklusibo siyang makapanayam ni Emil Sumangil.

Ipinakilala ni Alias Totoy ang sarili bilang katiwala ng personalidad na nasa likod umano ng pagkawala ng mga sabungero mula pa Enero 2022.

Read: Female celebrity allegedly involved in case of missing sabungeros

Pahayag ni Alias Totoy: "Mayroong isang babaeng celebrity. Di ko muna papangalanan, at alam na nila yan.

"Kasama siya sa alpha member... Ibig sabihin, kasama siya sa grupo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nagbigay ng detalye at walang binanggit na pangalan si Alias Totoy, ngunit iginiit nitong kabilang ang female celebrity sa mga dapat sampahan ng kaso.

Online, mabilis kumalat ang espekulasyon sa tinutukoy ni Alias Totoy na "female celebrity."

Dito na lumutang ang pangalan ni Gretchen, na sa hinala ng netizens ay siyang tinutukoy ng witness, dahil na rin marahil sa matagal na pagkakaugnay ng aktres sa isang malaking personalidad na nasa business ng sabong.

Ang pagpapakilala ni Gretchen sa tao ay siya niyang "business partner."

Gretchen Barretto allegedly linked to alias Totoy's statement about reported lost sabungeros.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Gretchen Barretto linked to lost sabungeros issue
Gretchen Barretto linked to lost sabungeros issue
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kasunod nito, naiulat sa online sites ng Bilyonaryo News Channel at Abante ang pagkakadawit ng pangalan ni Gretchen.

Sa panayam ni Sumangil, isinalaysay ni Alias Totoy na itinapon umano sa Taal Lake ang mga bangkay ng mga sabungerong nawawala.

Sa aspetong ito, sabi ni Remulla: “May nabasa akong statement. I don’t know if these are affidavits.

"Parang hindi pa siya fully sworn. Wala akong nakitang pirma sa nabasa ko, but he [Alias Totoy] must have probably one already.”

Read: Matet de Leon hurt by insensitive comments during live selling

OTHER CELEBRITIES ALSO ALLEGEDLY INVOLVED

Inusisa rin kay Remulla kung may impormasyon siya sa ibang artistang sangkot umano sa maselang usaping inilabas ni Alias Totoy.

Sagot ng DOJ secretary: “Ah, more than that, marami pa. There are others... basta there are others.”

Samantala, sa entertainment industry ay pinag-uusapan ang mga rebelasyon ni Alias Totoy dahil sa pagkakadawit nito sa "babaeng celebrity" na hindi pinangalanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lalong umingay ang kontrobersiya nang sabihin ni Remulla na “basta there are others,” patukoy sa iba pang showbiz personalities na idinawit sa mga rebelasyon ni Alias Totoy.

Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang opisyal na pahayag si Gretchen Barretto sa pagkakaugnay sa kanya sa isyu.

Nananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

Read: Kiefer Ravena, Diana Mackey lose first baby to miscarriage

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In an interview with TV reporters on June 30, 2025, DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla (right) was asked about the case of the missing sabungeros, where the name of Gretchen Barretto (left) was mentioned.
PHOTO/S: Instagram / ABS-CBN News YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results