Ang Filipino-American lawyer na si Atty. Toni Jaramilla ang tumulong sa mga empleyado ng American Apparel sa paghahain ng mga reklamo laban sa founder at CEO ng clothing retail company na si Dov Charney.
Kabilang si Jaramilla sa mga resource person sa Trainwreck: The Cult of American Apparel, ang documentary na nag-umpisang mapanood sa Netflix noong Hulyo 1, 2025.
Tinalakay sa bagong panoorin sa Netflix ang pagsikat, tagumpay, at pagbagsak ng American Apparel sa ilalim ng pamumuno ni Charney dahil sa mga pang-aabuso nito sa kanyang mga kabataang empleyado.
Read: 8th EDDYS: Alden Richards, Arjo Atayde magkatunggali for best actor
Sumikat ang American Apparel noong early 2000 at naging isa sa mga pinakamatagumpay na fashion brand sa Amerika dahil sa provocative ads at makukulay na kasuotan na tinangkilik ng superstar singers na sina Britney Spears, Rihanna, at Beyonce.
Nakapananabik na panahon para sa mga kabataang tauhan ni Charney ang magtrabaho sa American Apparel na nagpabago sa fashion trend at matuto mula sa kanya.
Hanggang mapagtanto nilang hindi umano magandang halimbawa at hindi dapat tularan ang amo nilang palasigaw, manipulative, nakikipag-meeting sa kanila na underwear lamang ang suot, at sangkot sa sexual harassment.
Malaking tulong si Atty. Jaramilla sa American Apparel female employees na naghain ng kaso ng sexual harassment laban kay Charney.
Tinalakay sa dokumentaryong matutunghayan sa Netflix ang kanyang partisipasyon sa pag-usig sa nasasakdal, na aktibo pa rin sa fashion industry sa Amerika dahil sa kolaborasyon nila ni Kanye West para sa Yeezy line nito.
Read: Si Xian Lim ba ang tinutukoy ni Vice Ganda sa queerbaiting issue?
ATTY. JARAMILLA ON HER FILIPINO FATHER
Kabilang si Jaramilla sa mga itinuturing na top-rated employment at labor attorney sa Los Angeles, California.
Sa panayam sa kanya ng Lawdragon noong Abril 2021, ikinuwento ni Jaramilla na ang kanyang Pilipinong ama ang naging inspirasyon para maging abogado siya.
Lahad niya: “I was a student activist at UCLA.
"In an Asian American Studies class, I was assigned to interview an Asian immigrant. I chose my father.
"My dad immigrated from the Philippines and served in the U.S. Navy.
“Despite his veteran status, he faced blatant bigotry due to his national origin. He found work in Northern California as an agricultural worker.
“He experienced the oppressive working conditions and poverty level wages, which led to the Delano grape strikes and boycotts.
“After settling in Los Angeles, he and my mother worked hard to provide me with life-changing opportunities.
“As a result of their sacrifices, I am the first in my family to obtain a law degree.
"My career as a workers’ rights attorney is built on fighting discrimination and advocating for racial equality.
“My determination and success are inspired, in no small part, from experiences passed down by my father.”
Ipinagmamalaki ng Filipino-American community si Jaramilla dahil sa kanyang mga kontribusyon sa lipunan.
Read: Justice Secretary Remulla, tinanong sa paglutang ng pangalan ni Gretchen Barretto sa sabungero case