PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame, kumpirmado na ang pagbabalik sa TV5

Willie Revillame, dalawa ang magiging programa sa TV5.
by Jojo Gabinete
Published Jul 3, 2025
willie evillame tv5
TV host Willie Revillame is expected to return to hosting his show on TV5 before the end of 2025.
PHOTO/S: Wil To Win Facebook

Tiyak na ang pagbabalik ni Willie Revillame at ng kanyang game show sa TV5 bago matapos ang 2025.

Pero Wowowin at hindi na Wil To Win ang pamagat ng programa niya.

Dalawa at hindi lamang isa ang programa ni Willie sa kanyang home network.

Ka-back-to-back program ng Wowowin ang Wilyonaryo, ang bagong game show niya.

Read: Atong Ang denies "mastermind" tag in missing sabungeros case

Si Willie ang nakaisip ng pamagat na Wilyonaryo, na nagmula ang pamagat sa binaligtad na letrang M ng salitang milyonaryo.

Isang milyong piso araw-araw ang naghihintay na premyo sa mga mapapalad na sasali at mananalo sa Wilyonaryo.

Isang engrandeng pag-uumpisa ng Wowowin at Wilyonaryo ang inihahanda ni Willie dahil sa mga malalaking papremyong ipamamahagi nito.

Ito rin daw ang taos-pusong pasasalamat ng TV host sa lahat ng mga Pilipinong patuloy na sumusuporta sa kanya at sa mga adbokasiya niya.

W STUDIO

Binisita ni Willie ang konstruksiyon ng gusaling ipinatatayo nila ng kanyang mga kasosyo noong Linggo, Hunyo 29, 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mga kasosyo ng TV host ay ang businessman at TV5 chairman na si Manny V. Pangilinan ng MediaQuest Holdings Inc., at former Galing sa Puso party-list representative GP Padiernos ng Golden Pacific Holdings Inc.

Ang tatlo ang nagmamay-ari sa itinatayong gusali sa TV5 compound, Mandaluyong City, na may state-of-the-art facilities, office spaces, volleyball at basketball courts.

Read: Willie at MVP, sanib-puwersa sa pagpapatayo ng PHP6B building

willie revillame
Willie Revillame visits the construction site of the studio which will be the home of his shows on TV5.
Photo/s: Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nangyari ang pagpirma nina Willie, Pangilinan, at Padiernos ng memorandum of agreement para sa konstruksiyon ng gusali noong Pebrero 10, 2025.

Tinatayang PHP6 billion ang halaga ng ipinapatayong gusali.

Ang W Studio, na ipinangalan kay Willie, ang magiging permanenteng tahanan ng magbabalik-telebisyong Wowowin.

M Studio naman ang pangalan ng isang studio na mula sa unang letra ng pangalan ni Pangilinan.

willie revillame new studio
Willie Revillame is slated to return to TV5 before the end of 2025.
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pagbabalik sa telebisyon at ang pagpapagawa ng isang world-class hotel sa kanyang resort sa Puerto Galera ang mga pinagkakaabalahan ni Willie matapos mabigo sa kanyang senatorial bid noong May 2025 elections.

Read: Lea Salonga, bibigyan ng bituin sa Hollywood Walk of Fame

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV host Willie Revillame is expected to return to hosting his show on TV5 before the end of 2025.
PHOTO/S: Wil To Win Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results