PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gretchen Barretto, hinikayat ni Alias Totoy na tumestigo

Atong Ang at Gretchen Barretto, kasama sa paiimbestigahan ng DOJ.
by Jojo Gabinete
Published Jul 3, 2025
gretchen barretto missing sabungeros case
Actress Gretchen Barretto (in photo) and businessman Atong Ang will be investigated by the Department of Justice in connection with the case of the missing sabungeros.
PHOTO/S: Instagram

Nanawagan si Julie "Dondon" Patidongan o Alias Totoy sa aktres na si Gretchen Barretto na tumestigo para mapatunayang pawang katotohanan ang sinasabi niya.

Si Patidongan ang dating tauhan ng negosyante at gambling tycoon na si Charlie "Atong" Ang.

Inakusahan ni Patidong si Atong na siya umanong mastermind sa pagkawala ng mahigit 100 sabungero na diumano’y dinukot, pinatay, at itinapon ang mga bangkay sa Taal Lake.

Ginawa ni Patidongan ang apela nito kay Gretchen sa panayam sa kanya ni Cheryl Cosim ng One.Ph, ilang oras matapos sampahan ni Atong si Patidongan ng patung-patong na kaso sa Prosecutor’s Office ng Mandaluyong City ngayong Huwebes, Hulyo 3, 2025.

Read: Atong Ang, Gretchen Barretto tagged by Alias Totoy in missing sabungeros case

alias totoy cheryl cosim one ph
Cheryl Cosim interviews Julie "Dondon" Patidongan o Alias Totoy.
Photo/s: One PH on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Patidongan: “Si Gretchen Barretto, Alpha yan, miyembro ng Alpha.

"Pangalawa nga, katabi yan mismo matulog. Imposible wala siyang alam.

"Kaya ako nanawagan kay Ma’am Gretchen...

“Madam Gretchen, parang awa mo na rin sa sarili mo, kung gusto mo tumestigo ka na rin para mapatunayan natin.

“Tutal lagi ka nagsisimba, lagi kang nagdarasal. Maawa ka naman sa pamilya ng mga nawawala.”

Inulit ni Patidongan ang kanyang pahayag na may alam ang aktres tungkol sa mga sabungerong nawala.

“Sila nag-uusap-usap din yung mga yan. Bago mangyari yung mga krimen na yan, nag-usap-usap yang mga yan.

"Merong ibang ayaw pumayag, pero majority yung pumayag.

“Ang sabi nga ni Mr. Atong Ang, 'Kapag hindi natin gagawin ito, babagsak yung negosyo natin.'

"Kaya yang sila, nag-agree, kasama yan si Gretchen Barretto,” giit ni Patidongan.

Read: Atong Ang denies "mastermind" tag in missing sabungeros case

DOJ SECRETARY SAYS ATONG, GRETCHEN ARE NOW SUSPECTS

Sa hiwalay na panayam, kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na kasama sina Atong at Gretchen sa mga iimbestigahan ng Department of Justice (DOJ) tungkol sa mga nawawalang sabungero, base sa mga pahayag ni Patidongan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ibig sabihin, kinukunsidera na ang dalawa bilang mga suspek.

“Mapapasama sila kasi yan pinangalanan sila, then we’ll have to include them as suspects,” sabi ni Remulla.

Read: Sec. Remulla, tinanong sa paglutang ng pangalan ni Gretchen sa sabungero case

Hindi naman sinagot ni Remulla ang ilang mga tanong tungkol sa kontrobersiyal na usapin, tulad ng diumano’y panghihingi ni Patidongan kay Atong ng PHP300 million.

Saad ni Remulla sa media: “Alam ninyo, kakargahan kayo ng mga yan. PR job yan, e.

"Kaya nga I would rather not discuss it kasi nga kakargahan kayo niyan para magkaroon ng slant ang story ninyo in their favor.

“E, tandaan ninyo, ang trabahong ito, gusto natin, totoo lang, hindi yung karga nila. Karga nang karga yan, e. Kakargahan kayo.

“I cannot comment on that kasi, alam mo, we are here investigating criminal behavior, criminal offenses, so that we can solve this problem of the country.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Problema ito ng bansa, hindi naman ito problemang personal, so we have to do what we have to do.

“We will do what we have to do and hindi puwedeng daanin sa publicity ito.

"That’s why I do not speak... when it comes to this because we study more than we talk, and we’re studying a lot of things right now regarding the cases that have to be filed.”

Read: Sunshine Cruz shuts down breakup, physical abuse rumors with Atong Ang

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Gretchen Barretto (in photo) and businessman Atong Ang will be investigated by the Department of Justice in connection with the case of the missing sabungeros.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results