PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andres Muhlach at Ashtine Olviga, magbibida na sa pelikula

Teaser ng pelikula nina Andres at Ashtine, inilabas na.
by Jojo Gabinete
Published Jul 4, 2025
andres muhlach ashtine olviga minamahal
The loveteam of Ashtine Olviga and Andres Muhlach will be finally be seen on the big screen via Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna.
PHOTO/S: Viva Films

Pagkatapos magtambal sa phenomenal hit Viva One original series na Ang Mutya ng Section, bida na sa pelikula sina Andres Muhlach at Ashtine Olviga.

Ito ang sagot sa kahilingan at pangarap ng kanilang mga tagahanga na bigyan ng bagong proyekto ng home studio nila ang AshDres.

Minamahal (100 Bulaklak Para Kay Luna) ang pamagat ng unang pelikula ng loveteam nina Ashtine at Andres.

Ngayong Biyernes ng gabi, Hulyo 4, inilabas ng Viva Films ang teaser ng romantic project nina Andres at Ashtine na umani agad ng two million views sa online platforms sa loob lamang ng isang oras.

Read: Carla Abellana says one of her dogs was abused by "narcissistic ex"

minamahal teaser
Photo/s: Viva Films
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FIRST MOVIE TOGETHER

Mula sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana, ang Minamahal ay mapapanood sa mga sinehan at hindi sa Viva One streaming site.

Ang Minamahal ang unang pelikula ni Andres.

At ito rinang unang pelikula ni Ashtine na siya ang bida dahil supporting roles ang ginampanan niya mula nang pumasok siya sa showbiz.

Kabilang sa mga pelikulang tinampukan ni Ashtine ay ang Will You Be My Ex?, The Ship Show, Marita, Roadtrip, at Sunny.

Nabigyan siya ng malaking break sa Viva One series na Ang Mutya ng Section E, na pinagtambalan nila ni Andres.

MAY MINAMAHAL

Noong 1993, nagbida ang ama ni Andres na si Aga Muhlach sa pelikulang May Minamahal, na naging opisyal na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 1993.

Nagwaging best actor si Aga para sa karakter na ginampanan niya sa pelikula ng Star Cinema na pinagbidahan nila ni Aiko Melendez.

aiko aga may minamahal
Aiko Melendez and Aga Muhlach in May Minamahal
Photo/s: Star Cinema
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nababanggit ang May Minamahal dahil Minamahal ang pamagat ng launching movie ni Andres.

Pero magkaibang-magkaiba ang kuwento ng mga nabanggit na proyekto.

Isang grand cast reveal ang inihahanda ng Viva Films para malaman ng publiko ang ibang mga artistang kasama nina Andres at Ashtine sa Minamahal.

"Minamahal" din ang pamagat ng hit song ni Earl Agustin na gagamiting theme song ng pelikulang pinakahihintay ng mga tagahanga nina Andres at Ashtine.

Read: Lolit Solis, veteran talent manager and showbiz columnist, dies at 80

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The loveteam of Ashtine Olviga and Andres Muhlach will be finally be seen on the big screen via Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna.
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results