PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Walong kapatid ni Shuvee Etrata, pinaalis sa tirahan sa Cebu

Shuvee sa mga kapatid: "Hindi na isang kahig isang tuka."
by Jojo Gabinete
Published Jul 5, 2025
Shuvee Etrata, ibinahagi na pinaalis ang walong kapatid sa tirahan ng mga ito sa Cebu.
Ayon kay Shuvee Etrata, mula sa Cebu ay nakitira ang mga kapatid sa lola nila sa South Cotabato: "Yung isa ko pong lola sa father side, nandoon na po lahat ang mga kapatid ko, so ngayon medyo okay yung buhay nila doon ngayon."
PHOTO/S: @tontonsoguilon via @shuveeetrata Instagram

Ipinagtapat ni Shuvee Etrata na pinaalis ang walong kapatid niya sa bahay na tinitirhan nila sa Bantayan Island, Cebu.

Sinabi ito ni Shuvee sa pakikipag-usap nito kina Chariz Solomon at Buboy Villar, ang mga host ng Your Honor, ang vodcast ng GMA Network Inc. na napapanood sa YouLOL YouTube Channel ng Kapuso station.

Ikinuwento ni Shuvee na nasa loob siya ng Pinoy Big Brother (PBB) house nang maganap ang pagpapaalis sa kanyang mga kapatid ng kanilang lolo, at nalaman lamang niya ang nangyari nang lumabas siya mula sa Bahay Ni Kuya.

"Pinaalis na po kasi kami doon. Nangyari siya nung nandoon ako sa PBB [House] kaya siguro ganito akong magsalita ngayon kasi last week ko lang nalaman.

"Parang isang araw lang sa utak ko. Nasa loob ako ng PBB nung pinaalis sila ng lolo ko sa bahay kasi hindi po sa amin yun talaga, sa lolo namin," lahad ni Shuvee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero iginiit din ni Shuvee na mas maayos ang kalagayan ngayon ng kanyang mga kapatid na naninirahan na sa Polomolok, South Cotabato.

"Pero ngayon okay na sila. Nasa Polomolok na sila, sa tito ko,” ang sabi ni Shuvee na panganay sa siyam na magkakapatid.

"Yung isa ko pong lola sa father side, nandoon na po lahat ang mga kapatid ko, so ngayon medyo okay yung buhay nila doon ngayon. Hindi na isang kahig isang tuka.

"Lahat na nagtutulungan kami. Tapos ngayon I feel like this is the start po after PBB kaya masyado po akong grateful sa PBB. Baka ito na po ‘yon.”

Read: Misis ni Emil Sumangil, nanawagan ng dasal para sa 24 Oras anchor

SHUVEE ETRATA ON BETTER RELATIONSHIP WITH PARENTS

May tampuhan si Shuvee at ang kanyang mga magulang nang magpasya siyang lumuwas sa Maynila para subukan ang kapalaran niya sa showbiz.

Pero dahil sa PBB, maayos na umano ang kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Medyo hindi rin okay yung relationship ko with my parents. Ngayon, okay na kami because of PBB, I became a better person.

"I forgave my dad. I found forgiveness really in my heart. And then now, it’s time to [make] bawi.

"Itong lahat nang ginagawa ko dito sa Manila, ito lahat para sa kanila.

"Yung pangarap ko po talaga, to become a doctor. And then lahat ‘yon, sinet aside ko muna kasi mas mabilis yung pagtulong ko sa kanila with content creation. Me being an artista, nakakatulong ako.

"So yun ang nakita kong paraan, yung purpose ko, kumbaga, ibigay yung buhay na deserve nila, yung mga kapatid ko.

"Hindi naman lahat, yung kailangan lang talaga. Yung mga magka-college na kasi yung next sa akin. Nag-study na sa San Carlos University naman, accountancy.”

Read: Maine Mendoza, Miles Ocampo interact on-air amid feud rumors

SHUVEE ENTRATA ON COMPARISON WITH MELAI AND MAYMAY

Mula nang pumasok si Shuvee sa entertainment industry at naging PBB housemate, madalas ang pagkukumpara sa kanya kina Melai Cantiveros at Maymay Entrata na mga produkto rin ng reality show ng ABS-CBN kaya nagpaliwanag siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Noong una, I was always compared to Maymay and then, even during PBB, I was compared to Ate Melai.

"So parang ako, I take it as, like, constructive criticism nga po kasi sila nga po ay Bisaya rin.

"And it could be my notion, my nuances are also… parang napapanood ko rin sila before kaya ganito ako.

"It could be subconsciously nakukuha mo siya, and then, it’s just I am Bisaya and a lot of my friends are also like this.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay Shuvee Etrata, mula sa Cebu ay nakitira ang mga kapatid sa lola nila sa South Cotabato: "Yung isa ko pong lola sa father side, nandoon na po lahat ang mga kapatid ko, so ngayon medyo okay yung buhay nila doon ngayon."
PHOTO/S: @tontonsoguilon via @shuveeetrata Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results