PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BreKa, in-expect na ang CharEs ang magiging PBB Big Winner Duo

Brent, gustong makilala bilang isang aktor; Mika, gustong ituloy ang pagkanta.
by Jojo Gabinete
Published Jul 7, 2025
breka brent manalo mika salamanca fast talk
Brent Manalo and Mika Salamanca or BreKa still processing everything after winning PBB Celebrity Collab Edition.
PHOTO/S: GMA Network

Ang BreKa duo nina Brent Manalo at Mika Salamanca ang itinanghal na Big Winner Duo sa Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition.

Ginanap ang Big Night ng PBB Celebrity Collab Edition sa New Frontier Theater, sa Quezon City, noong Sabado, Hulyo 5, 2025.

Read: BreKa hailed Big Winner Duo of PBB Celebrity Collab Edition

Sa panayam nila sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes, Hulyo 7, 2025, ibinahagi ng dalawa ang mga nais nilang gawin pagkatapos ng tagumpay nila sa reality show ng ABS-CBN at GMA-7.

Plano raw ni Mika na ipagpatuloy ang kanyang singing career, samantalang gusto ni Brent na matupad ang pangarap nitong maging aktor.

Lahad ni Brent: “Siguro kahit anong opportunity ang dumating pero, hopefully talaga, mas mag-focus pa sa pag-arte.”

Hindi raw nagpapaapekto si Brent sa mga negatibong naririnig niya.

Saad ng Star Magic artist: “Proving to myself that I can do it kasi I’ve been told so many times na I’m not really meant for acting. Na it’s not possible.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But now that bigger stage o bigger platform na meron ako, hopefully makapag-focus po ako talaga [sa pag-arte].

“Lagi kong sinasabi, the whole world may doubt you, but as long as you believe in yourself, anything is also possible.”

Read: PBB: Celebrity Collab Big Night highlights

SHOCKED REACTION TO CHARES PLACING THIRD

Noong Big Night ng PBB Celebrity Collab Edition ay kuhang-kuha ang gulat na gulat na reaksiyon nina Brent at Mika, maging ng RaWi duo nina Ralph de Leon at Will Ashley, nang ianunsiyo na ang CharEs duo nina Charlie Fleming at Esnyr Ranollo ang third Big Placer.

breka pbb celebrity collab big night
Brent Manalo and Mika Salamanca's shocked reaction after CharEs was announced as Third Big Placer Duo.
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinaliwanag nina Mika at Brent na ikinagulat nila nang husto ang resulta dahil ang CharEs duo ang kanilang inaasahang tatanghalin na Big Winner.

Sabi ni Mika, “Feeling ko po talaga, alam namin, nire-ready namin ang sarili namin na Big Winner po talaga [sila] kaya nagulat din po kami.”

Dagdag naman ni Brent, “Well-loved sila sa loob ng bahay so I was expecting na well-loved din sila sa labas.

"And kami po [housemates], majority din na sila yung tingin namin na Big Winner. We’re expecting the same.”

Ayon kina Brent at Mika, “pina-process” pa nila ang lahat ng mga nangyari dahil hindi sila makapaniwalang ang kanilang duo ang nagwagi sa sikat na reality show ng pinagsanib na puwersa ng Kapamilya at Kapuso Networks.

Hindi naman itinanggi ni Mika na malaking tulong sa kanilang panalo ang suporta ng kanyang mga kaibigang vloggers na lumikom ng pondo para iboto ang BreKa.

Read: Mika Salamanca still in disbelief after PBB Celebrity Collab win

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Brent Manalo and Mika Salamanca or BreKa still processing everything after winning PBB Celebrity Collab Edition.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results