Tiniyak ng mga promoter ng U.S. tour ng rising reggae star na si Elias Lintucan — higit na kilala sa screen name na Elias J. Tv. — na tuloy na tuloy ang pagtatanghal nito sa Hawaii, San Francisco, Los Angeles, Redwood City, San Diego, at Houston sa Setyembre 2025.
Hindi raw apektado ang upcoming shows ng singer sa hindi pagkakaunawaang nangyayari ngayon sa pagitan ng kanyang live-in partner na si Abegail "Abby" Cariquitan at sa business manager niyang si Beverly Palicpic Labadlabad.
Naiipit si Elias sa pagitan ng dalawang nag-uumpugang bato dahil sa isyu na, diumano, pinagseselosan ni Abegail si Beverly kaya nagpalitan ng maaanghang na salita ang dalawa sa social media.
Read: Walong kapatid ni Shuvee Etrata, pinaalis sa tirahan sa Cebu
May mga paratang kay Abegail na hindi nito dapat pinaiiral ang selos dahil hindi pa sila kasal ni Elias.
Pero marami rin ang nagtatanggol sa kanya bilang kinakasama at ina ng anak ng kontrobersiyal na reggae artist.
May mga nakakaunawa naman sa mga desisyong ginagawa ni Beverly bilang business manager dahil ang kapakanan daw ni Elias ang kanyang pinangangalagaan.
ELIAS J. TV. BREAKS HIS SILENCE
Ngayong Lunes, Hulyo 7, 2025, binasag ni Elias ang pananahimik sa pamamagitan ng kanyang mga Facebook post.
Marami na raw kasi ang nakikisali sa naglalagablab na isyung kinasasangkutan nina Abegail at Beverly.
Isinalin ng Cabinet Files sa wikang Ingles ang Cebuano dialect na paliwanag ni Elias para higit na maunawaan ng publiko ang panig niya.
Ayon kay Elias, malaking bahagi ng kanyang tagumpay ang partner niyang si Abegail dahil hindi raw siya nito iniwanan kahit noong walang-wala sila.
Ang tanging nais lamang daw niya ay matatag na pamilya kasama si Abegail at ang kanilang anak.
Pinabulaanan din ng singer na may namamagitan sa kanila ng kanyang manager na si Beverly higit sa pagiging magkatrabaho.
Read: Kris Lawrence, pinuri si Katrina Halili sa pagpapalaki kay Katie
Narito ang kabuuang post ni Elias:
“From the very beginning, I’ve never responded to bashers or comments made about me because I’ve always chosen to stay silent.
"But this time, I really have to speak up—because my family is already being affected, especially my partner.
“Since the start of building my career, Abby has always been by my side, even during the times when we had nothing.
"We dreamed together, and it will never happen that I alone will enjoy whatever we’ve achieved now.
“All I’ve ever dreamed of is to have a stable life with my family—together with Abegail and Apollo.
“And to clarify things—what you’re thinking about me and Ma’am Beverly is wrong. What we have is purely work and nothing else.
"So please, let’s stop spreading those kinds of issues.Thank you so much to all of you, and take care always.”
Ang post na ito ni Elias na meron nang 414,000 likes, 70,000 comments, 30,000 shares and counting, as of 10 P.M. ng Hulyo 7.
Patunay ito ng tinatamasa niyang popularidad, lalo na sa Bisaya at Mindanao, kaya marami ang sumusubaybay sa mga kontrobersiyang nangyayari sa kanyang personal at propesyunal na buhay.
Sinubukan ng Cabinet Files na kunin ang panig ni Beverly tungkol sa isyu, pero hindi pa siya sumasagot sa mensaheng ipinadala namin sa kanya.
Samantala, iibinahagi naman ni Elias sa official Facebook page nito ang mga video at larawan nila ng kanyang mag-ina bilang patunay na matatag at maayos ang kanilang pagsasama.