PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

RaWi, natuwa sa mga bansag na "Saing King" at "Nation's Son"

Ralph at Will, ido-donate ang bahagi ng kanilang napanalunan sa charity.
by Jojo Gabinete
Published Jul 10, 2025
will ashley ralph de leon
Will Ashley (left) and Ralph de Leon (right) have decided to donate a portion of their cash prize to Father Al’s Children Foundation.
PHOTO/S: GMA Network

"Mayabang" ang unang impression ni Will Ashley sa ka-Final Duo niyang si Ralph de Leon, pero nagbago raw ang tingin niya rito nang magkaroon sila ng mga pag-uusap sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Ang pagiging tahimik naman ni Will ang napansin ni Ralph sa kanilang unang pagkikita at pagsasama sa Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition ng ABS-CBN at GMA-7.

Tinawag nila ang kanilang duo na RaWi na mula sa pinagsamang unang dalawang letra ng kanilang mga pangalan.

Sila ang itinanghal na Second Big Placer Duo sa Big Night ng PBB Celebrity Collab Edition noong Sabado, Hulyo 5, 2025.

Inilahad nina Will at Ralph ang impresyon nila sa isa’t isa sa eksklusibong panayam sa kanila ng Cabinet Files sa studio ng Fast Talk With Boy Abunda ngayong Huwebes, Hulyo 10, 2025.

Read: Will Ashley clarifies viral hug with Bianca de Vera at PBB Big Night

Pagkatapos nilang lumabas ng Bahay Ni Kuya, sunud-sunod ang TV guestings ng RaWi at ng kapwa nila Big 4 na sina BreKa (Brent Manalo at Mika Salamanca), CharEs (Charlie Flemming at Esnyr Ranollo), at AzVer (AZ Martinez at River Joseph) sa mga programa ng GMA-7 at ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang pakiramdam na nakakatawid sila sa mga network at sa mga programa nito?

Sabi ni Ralph: “Parang ang ganda lang po ng pagko-collaborate talaga.

"Kasi for the longest time, lagi pong naglalaban yung dalawang yan [GMA-7 at ABS-CBN].

“Yung fans, sobrang galit sa isa’t isa.

"But knowing na parang napagsama yung industriya, yung buong bansa, to really just have everyone supporting the projects that they have been collaborating, it’s a good feeling.”

THE "SAING KING" AND "NATION'S SON"

"Saing King" ang ibinansag kay Ralph dahil siya ang madalas tagaluto ng kanin habang nasa loob sila ng PBB house.

Nagustuhan daw ng 24-year-old Kapamilya actor ang tawag na ito sa kanya.

“Masaya po talaga kasi sa loob pa lang ng PBB house, yun na ang itinatawag sa akin, yung Saing King. Ako nga po kasi yung laging nagsasaing.

"So, knowing na na-translate at na-pick up siya sa labas, sobrang grateful ko po talaga,” naaaliw na reaksiyon ni Ralph.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinatutuwa naman ni Will ang “Nation’s Son” label sa kanya dahil dumami raw ang mga nanay niya.

Sabi ng 22-year-old Kapuso actor, “Ako po, natutuwa sa Nation’s Son kasi biglang dumami ang nanay ko. Pero super thank you po talaga sa suporta na ibinigay nila.”

Read: Kapamilya stars, executives, employees nagpaalam na sa ABS-CBN Tower

RAWI TO DONATE PORTION OF THEIR CASH PRIZES TO CHARITY

Nagkasundo raw sina Will at Ralph na ibigay ang bahagi ng cash prize, PHP500,000 each, na kanilang napanalunan sa isang charity institution.

Ayon kay Will, “Nag-usap po kami ni Ralph na itutulong namin. Itutuloy namin yung charity na nagawa namin.”

Dagdag ni Ralph, ibibigay nila ang kanilang donasyon sa Father Al’s Children Foundation, na napili rin nilang recipient sa cash prize na nalikom nila matapos manalo sa isang task sa loob ng Bahay Ni Kuya.

ON POSSIBLE BL PROJECT

Mabilis ang sagot ni Ralph nang tanungin ng Cabinet Files tungkol sa posibilidad na pagtatambal nila ni Will sa isang BL (boys love) series.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad niya: “Ako po, personally, yung mga BL series po, feeling ko, kailangan po talaga actual members ng community po ng LGBTQIA+.

“Kasi ang feeling ko, sila po talaga yung makaka-represent at makakapag-portray ng characters na iyon nang maayos.”

Sinang-ayunan ito ni Will.

Read: Irene Celebre, 67, engaged to Sylvia La Torre's son Artie Perez de Tagle, 69

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Will Ashley (left) and Ralph de Leon (right) have decided to donate a portion of their cash prize to Father Al’s Children Foundation.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results