Nakuha ng mga miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ilang sakong naglalaman ng mga buto sa search and retrieval operations na ginawa nila sa Taal Lake sa Laurel, Batangas, ngayong Biyernes, Hulyo 11, 2025.
Isa itong importanteng hakbang para mapatunayang may katotohanan ang alegasyon ni Julie “Dondon” Patidongan o Alias Totoy na itinapon sa naturang lawa ang mga bangkay ng mahigit isandaang sabungerong nawawala mula pa noong 2021.
Ang pangalan ng negosyante at gambling tycoon na si Charlie "Atong" Ang ang idiniin ni Patidongan na "mastermind" umano sa paglalaho ng mga sabungero.
Idinawit din ni Patidongan ang pangalan ng aktres na si Gretchen Barretto.
Mariing pinabulaanan nina Atong at Gretchen ang mabigat na paratang laban sa kanila.
Read: Atong Ang denies "mastermind" tag in missing sabungeros case
Read: Gretchen Barretto denies involvement in missing sabungeros case
CHALLENGES IN THE DIVING OPERATION
Sinabi ng Department of Justice (DOJ) na nakatanggap sila ng impormasyong isang sandbag ang nakatali sa mga sako na naglalaman ng mga kalansay para matiyak ang paglubog nito sa pusod ng Taal Lake.
Natukoy at nasisid ng PCG divers ang kinaroroonan ng mga sako dahil sa lugar na itinuro ni Patidongan.
Malaking hamon ang hinarap ng mga diver ng PCG dahil sa lagay ng panahon, malabo at malalim na tubig ng lawa ng Taal, at sa banta ng pagsabog ng Taal Volcano.
Sinabi ni PCG Spokesperson Noemie Cayabyab sa panayam sa kanya ng GMA Integrated News na hinihintay ng kanilang ahensiya ang pagdating ng remote-operated vehicle na may kakayahang sumisid at kumuha ng mga bagay na nasa ilalim ng lawa.
Read: Bea Alonzo, Vincent Co spotted at airport; holding hands at event
Saad niya: “Ito ay darating ngayong linggo so inaasahan natin na ito ay makakatulong sa pag-determine nung mga object na nasa ilalim ng tubig.
“Kasi, we understand during the early assessment kahapon na medyo malabo at maburak yung ilalim ng tubig.
"So, itong remote-operated vehicles natin ay makakatulong kasi it has the capacity to see underwater, halos one thousand feet, and it has the capability as well to pick up some objects.
“So, kung meron tayong makikitang mga suspicious subject or objects dun sa ilalim ng tubig, ito po ay kukunin at iaangat po natin,” paliwanag ni Cayabyab tungkol sa mga paraang gagawin nila upang malaman ang kinaroroonan ng mga labi ng mga naglahong sabungero.
Sasailalim sa pagsusuri ang mga kalansay na nakasilid sa mga sako na nakuha ng PCG mula sa Taal Lake para masigurong kabilang sila sa mga sabungerong nawawala.
Read: Dina Bonnevie "starting all over again" after husband's death