Masaya si Rabin Angeles para kina Andres Muhlach at Ashtine Olviga dahil may pelikula na ang mga kaibigang nakatrabaho niya sa Viva One original series na Ang Mutya ng Section E.
Sina Andres at Ashtine ay magbibida sa pelikula ng Viva Films na Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna.
Read: Andres Muhlach at Ashtine Olviga, magbibida na sa pelikula
Nakadagdag sa galak na nararamdaman ni Rabin na ang kanyang discoverer at mentor na si Jason Paul Laxamana ang direktor ng launching movie ng loveteam nina Andres at Ashtine.
Pahayag ni Rabin sa Cabinet Files: “Nakakatuwa po, ang direktor yung manager ko.
"Sana magka-work din kami ni Direk Jason kasi siya talaga yung kung anuman po yung meron ako ngayon dahil din po sa kanya.”
DIREK JASON PAUL ALSO WANTS TO WORK WITH RABIN
Ang hindi alam ni Rabin, pangarap din ng kanyang manager na makasama siya sa isang proyekto.
Sabi ni Direk Jason sa Cabinet Files: “Ironically, wala pa kaming project na si Rabin ang bida.
"Sinabi ko nga kay Boss Vic [del Rosario, Viva big boss] na kung may opportunity, gagawa kami ni Rabin ng pelikula,”
Pero mauuna pang makatrabaho ng direktor sina Andres at Ashtine kesa kay Rabin.
Read: Giselle Sanchez regrets playing Cory Aquino in Maid in Malacañang; Darryl Yap reacts
RIGOROUS PROCESS
Hindi lamang direktor ng Minamahal si Jason dahil siya rin ang sumulat ng kuwento ng pelikula.
Nilinaw rin ni Direk Jason na bago pa man nagkaroon ng Ang Mutya ng Section E at nabuo ang AshDres loveteam, naisulat na niya ang script ng Minamahal.
“Hindi siya ganoong kasimple na parang sinabi lang ni Boss Vic na, ‘O sige, mga artista mo.’
“It went through a rigorous process bago napunta sa kanila yung project.
"Kasi po, the script itself has been existing even before pa magkaroon ng Mutya ng Section E. Even before magkaroon ng AshDres loveteam.
“Personally, natutuwa ako kasi hindi ginagawa yung project just because nag-viral yung Mutya.
“Talagang dumaan sa typical process na may story then naging script, and then pinitch muna sa kanilang dalawa at kay Aga [Muhlach, ama ni Andres].
“And when everyone agrees na okay, magandang gawin itong project, saka nagkaroon ng Minamahal.”
Read: Bea Alonzo, Vincent Co spotted at airport; holding hands at event
MINAMAHAL TEASER GOES VIRAL
Binanggit din ni Jason ang pagkabigla niya dahil sa mainit na pagtanggap ng publiko sa teaser ng Minamahal.
Saad niya: “Very ecstatic ako kasi hindi naman sa hinahabol natin yung pagiging viral nila sa Mutya, pero it’s really a factor kung bakit very celebrated kahit teaser pa lang.
“Ako, personally, na-shock na the next day, ipina-billboard na ng fans nila, even yung international fans nila na hindi ko naiintindihan dahil nag-i-Spanish sila sa TikTok, pinag-uusapan nila yung teaser.
“Masaya ako sa output ko, pero parang cherry on top talaga na super successful ng loveteam nila.
"And I can’t wait na bigyan nila ng buhay yung characters na matagal ko nang naisulat.”
Read: Lolit Solis: Far from perfect, fascinating till the last