PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marco Gallo, nagpaborta at nagbigote para sa upcoming project

Marco Gallo, bagay kayang maging bagong Captain Barbell?
by Jojo Gabinete
Published Jul 16, 2025
marco gallo vivarkada
Marco Gallo on his new look: "Hindi ako sure kung puwedeng sabihin pero there’s a show that apparently I am playing this role na older, tapos medyo may pagka-mysterious, hindi naman psycho. Personally, in-ask ko kung puwedeng magpakalbo for it kasi I need to look older. So ngayon, kailangan ko magpakalbo hence the mustache."
PHOTO/S: Viva Artists Agency / Instagram

Agaw-pansin ang buff physique at ang bigote ni Marco Gallo sa media conference ng Vivarkada na naganap sa Viva Cafe, Araneta City, Cubao, Quezon City, ngayong Miyerkules, Hulyo 16, 2025.

Nahihiyang nagpasalamat si Marco sa narinig nitong mga papuri na bumagay sa kanya ang bagong itsura niya at nagmukha siyang Hollywood star.

Nang tanungin tungkol sa kanyang impressive physical transformation, sinabi ni Marco na may kinalaman ito sa bagong proyektong nakatakda niyang gawin.

Read: Red Uncle scandal sa China, binulabog ang buong mundo

Kuwento niya: “Actually there is... may isang show pero hindi ko puwedeng i-disclose kung sino ang kasama.

"Hindi ako sure kung puwedeng sabihin, pero there’s a show that apparently I am playing this role na older, tapos medyo may pagka-mysterious, hindi naman psycho.

“Personally, in-ask ko kung puwedeng magpakalbo for it kasi I need to look older. So ngayon, kailangan ko magpakalbo, hence, the mustache.

“Sana matuloy kasi ang problema ko ngayon, kasi the next book [from Wattpad series] is coming.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Soon we’re gonna be starting to shoot, probably next month or two months. So, ang problema ngayon, hindi po namin alam kung kaya kasi baka mag-overlap.

“Wala po talaga po akong choice, as in sila po yung nag-aayos ng schedule. Mukhang ang mangyayari po yata... hindi pa po sure, ha?

“Medyo naisip ko lang ito, ang feeling ko, ang mangyayari uunahin yung Univerkada series tapos next na yung other show.”

Kinuha ng press ang reaksiyon ni Marco sa opinyong puwede siyang gumanap bilang Pinoy superhero na Captain Barbell dahil sa kanyang magandang pangangatawan ngayon, na resulta ng regular na pagpunta niya sa gym na pag-aari ni Gerald Anderson.

Sagot niya: “Malayo pa po. Mas madami po ang malaki sa akin.

"Si Gab Lagman pa lang, e, I need to catch up.

"Pero for sure, before the year ends, baka may papandesal [na ako].”

Read: Gabby Eigenmann, bilib sa "unique love story" nina Kylie Celebre at Jan Pablo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
View this post on Instagram

A post shared by mac (@marcogalloc)

VIVARKADA FANCON AND CONCERT

Ang Vivarkada ang ultimate fancon at grand concert na itatanghal sa Smart Araneta Coliseum.

Tatampukan ito ng mga artista ng Univerkada series ng Viva One: The Rain in Espana, Safe Skies Archer, Chasing in the Wild, Ang Mutya ng Section E., Avenues of the Diamond, Seducing Drake Palma, at Bad Genius, The Series.

Si Heaven Peralejo ang kapareha ni Marco sa The Rain in España.

Tiniyak ng Filipino-Italian actor na magkakaroon sila ng production number ng aktres na napapabalitang karelasyon niya.

Sabay pahiwatig sa posibilidad ng pagkakaroon niya ng sexy production number sa fancon at concert na Vivarkada.

“Yeah. Yeah. Medyo hot nga yata, e.

“It’s time for me to show my shower skills to everyone.

"I think it’s time to show kung gaano kalambot ang katawan ko,” may himig ng panunuksong sabi ni Marco.

Read: Aktor, binara ang ex-government official na "basher" ng anak

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marco Gallo on his new look: "Hindi ako sure kung puwedeng sabihin pero there’s a show that apparently I am playing this role na older, tapos medyo may pagka-mysterious, hindi naman psycho. Personally, in-ask ko kung puwedeng magpakalbo for it kasi I need to look older. So ngayon, kailangan ko magpakalbo hence the mustache."
PHOTO/S: Viva Artists Agency / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results