Pinagkakaguluhan ngayon sa social media ang larawan at video ng isang young Chinese swimming coach dahil sa artistahing mukha nito at makisig na pangangatawan.
Base sa mga impormasyong ikinalat ng netizens, napag-alamang Chen ang apelyido ng guwapong swimming coach.
Nitong Hulyo ay kumalat sa Internet ang video ni Chen habang tinuturuang lumangoy ang ilang bata sa Hangzhou Chenjinglun Sports School sa lalawigan ng Zhejiang, China.
Ang mga kinikilig na nanay ng mga estudyante ng swimming coach ang may kagagawan sa pagkalat sa Internet ng kanyang mga larawan at video, kung saan nakasuot siya ng swimming trunks at minsan ay walang suot na pang-itaas.
Buhat nang kumalat ang mga larawan at video ni Chen, maraming mga nanay ang nag-enroll ng kanilang mga anak sa swimming class ng batang coach.
Nagpahayag din sila ng kagustuhang magpaturo kay Chen ng paglangoy.
Read: VIRAL: Alleged affair ng CEO sa kanyang empleyado, nahuli-cam sa Coldplay concert

MORE INFORMATION ABOUT CHEN
Ang mga magulang din ng mga bata ang nagbulgar ng impormasyong katatapos lamang ng high school ni Chen, at nagtatrabaho siya ngayon bilang part-time junior swimming coach ng dalawampung bata na may edad apat hanggang lima.
Ang matinding paghanga at atensiyong ibinibigay kay Chen ng mga ina ng kanyang mga estudyante — na puwede na ring maging nanay niya — ang dahilan kaya naging popular ang summer program ng Hangzhou Chenjinglun Sports School.
Dahil sa popularidad ni Chen, mabilis nahanap ng netizens ang social media account niya na binabaha ng mga mensahe ng paghanga mula sa mga kababaihan at nanay ng mga estudyanteng tinuturuan niyang lumangoy.
Kaugnay nito, nakiusap si Chen na igalang ang kanyang pribadong pamumuhay.
“Thank you for your support. However, I ask that you respect my privacy.
"Please refrain from sending me personal messages. Otherwise, I may have to deactivate this account, as it has started to affect my daily life,” pakiusap ni Chen sa mga tagahanga niya.