Magiging ganap na lola na si Ai-Ai delas Alas sa Enero 2026.
Tatlong buwan nang buntis si Maria Paula Sulit, ang Canada-based fiancée ng panganay na anak ni Ai-Ai, ang chef at aktor na si Sancho delas Alas.
Napaluha si Ai-Ai nang malaman niya mula kay Sancho ang magandang balita dahil katuparan daw ito ng kanyang matagal na dalanging magkaroon siya ng apo.
Read: Sleeping Prince ng Saudi Arabia, pumanaw na matapos ma-coma sa loob ng 20 taon
Lahad niya sa Cabinet Files: “Comedy nga ang nangyari dahil ang akala ni Sancho, positive sa COVID si Paula.
"Hindi kaagad pumasok sa isip niya na pregnancy test kit ang ipinakita sa kanya.
"Umiyak si Sancho at niyakap niya si Paula nang ma-realize niyang magkakaroon na sila ng anak."
View this post on Instagram
Ayon pa kay Ai-Ai: “Manganganak si Paula sa Toronto sa January 2026 at sana, maging ka-birthday ni Sancho sa January 31 ang baby nila.
“Sa Canada na magpa-Pasko si Sancho, at pupunta naman ako doon sa January para tumulong sa pag-aalaga sa magiging apo ko na hindi pa namin alam ang gender.”
Read: Young swimming coach, nag-viral sa social media dahil sa kaguwapuhan
REASON TO LIVE AGAIN
Maligayang-maligaya raw si Ai-Ai sa bagong biyayang matatanggap ng pamilya niya.
“Naiyak ako nang sabihin sa akin ni Sancho na magiging lola na ako dahil ito ang ipinagdasal ko kay Apu Mamacalulu," pagtukoy niya sa imahe ni Hesus Kristo na diumano’y nagmimilagro at regular na pinupuntahan ng mga deboto sa Angeles City, Pampanga.
“Sabi ko, sana magkaroon na ako ng apo. At sobrang saya ko dahil may reason na ako to live again dahil alam naman ng lahat ang nangyari sa personal life ko.
“Aalagaan ko ang apo ako dahil siya ang dahilan para muling sumigla uli ang buhay ko.”
Matagal nang magkakilala sina Sancho at Paula dahil high school classmates at prom dates sila.
Saksi si Ai-Ai nang alukin ni Sancho ng kasal si Paula nang magpunta sila sa Ottawa, Canada, noong Abril 18, 2025.
Kasama talaga sa plano ng dalawa ang magpakasal bago pa man nila natuklasang nagbunga ang kanilang pagmamahalan.
Read: CEO na nahuli-cam sa concert ng Coldplay, nag-resign sa trabaho