PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jaden de Leon, apo nina Nora at Boyet, gusto ring mag-artista

Jaden de Leon: “When I grow up, I wanna be an actor just like my whole family.”
by Jojo Gabinete
Published Jul 21, 2025
jaden de leon nora and boyet
Jaden de Leon, the nine-year-old son of Ian de Leon and grandson of Nora Aunor and Christopher de Leon (insets), has expressed his intention to also become an actor just like the members of his family.
PHOTO/S: GMA Network

Ang guesting ni Jaden Kristoff de Leon bilang contestant sa Family Feud Philippines na mapapanood ngayong Lunes, Hulyo 21, 2025, ang kanyang television debut.

Si Jaden ang panganay na anak ng mag-asawang Ian de Leon at Jennifer Orcine.

Apo siya ng multi-awarded actor na si Christopher de Leon at ng yumaong Superstar at National Artist na si Nora Aunor.

Siyam na taon ang edad ni Jaden; English-speaking at Grade 4 sa kasalukuyan.

Read: Sleeping Prince ng Saudi Arabia, pumanaw na matapos ma-coma sa loob ng 20 taon

Hindi malabo ang posibilidad na pumasok si Jaden sa showbiz dahil pangarap din niyang maging aktor at sundan ang yapak ng kanyang ama.

Sa panayam sa kanya ni Family Feud host Dingdong Dantes, walang pag-aalinlangang sinabi ni Jaden: “When I grow up, I wanna be an actor just like my whole family.”

Ang pag-arte at ang kakayahang magbago ng boses ang ilan sa mga katangian ni Jaden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hobbies naman niya ang drawing, reading, painting, at online games.

Trampoline flipping, paggawa ng paper monsters, at pagkanta ang mga itinuturing na unique talents ni Jaden.

Read: CEO na nahuli-cam sa concert ng Coldplay, nag-resign sa trabaho

NORANIANS ALL-OUT SUPPORT FOR JADEN

Hindi pa man artista si Jaden, suportado agad at hinihintay ng Noranians, ang loyal fans ni Nora, ang pagpasok ni Jaden sa showbiz.

Naniniwala ang mga masugid na tagahanga ni Nora na future matinee idol ang apo ng Superstar, na tiyak minana ang husay sa pagkanta at pag-arte ng kanyang lolo at lola.

Ikinagagalak ng Noranians na malaki ang pagkakahawig ni Jaden kay Nora, lalung-lalo na ang mga mata ng Superstar na punumpuno ng emosyon, kaya inaasahang magiging magaling din siyang aktor.

Read: Young swimming coach, nag-viral sa social media dahil sa kaguwapuhan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jaden de Leon, the nine-year-old son of Ian de Leon and grandson of Nora Aunor and Christopher de Leon (insets), has expressed his intention to also become an actor just like the members of his family.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results