Bago pa man binatikos ang social media post ni DILG Secretary Jonvic Remulla tungkol sa mga lugar na walang pasok dahil sa masungit na lagay ng panahon, nauna nang pinuna ang "misleading" announcement ni dating ABS-CBN News reporter at newly elected Laguna Governor Sol Aragones noong Linggo, Hulyo 20, 2025.
Nakasaad sa official Facebook page ni Aragones: “Breaking news!! Alam kong kanina nyo pa ito hinihintay, eto na. Ito ay dahil nakalabas na ang bagyo.
“Walang Magpupuyat! May Pasok Na Bukas! July 21, 2025 [Monday]
"All Levels
"Public and Private Province-wide.”
Read: GMA News reporter Bernadette Reyes, sinagot ang bastos na netizen
Pinasalamatan ng netizens si Aragones dahil sa maagang paglalabas niya ng anunsyo.
Kasabay nito ang paalaala rin sa kanya: “This kind of content can be confusing, misleading. This is not what proper public affairs look like.
“Gets na gusto nyo ng mataas na engagement pero sana naman, hindi at the expense of proper information dissemination.Hindi naman mahirap sabihing may pasok bukas.”
Kabilang din sa mga komento: “Public announcement carry weight and responsibility. They should always be clear, accurate and respectful.
“Misleading or joking messages, especially when presented as an official statement can cause confusion.”
Tila pinakinggan ng tanggapan ni Aragones ang mga pagpunang natanggap dahil seryoso at hindi na pabiro ang mga sumunod na anunsiyo nila tungkol sa suspension ng klase sa mga paaralan.
Read: GMA News reporter Nico Waje brings kilig vibes to netizens for his typhoon updates
REMULLA AND ARAGONES EXCHANGE MESSAGES
Tumanggap naman ng mga batikos si Secretary Jonvic Remulla dahil sa inakala nitong "cute announcement" niya tungkol sa mga paaralang walang pasok sa Miyerkules, Hulyo 23.
Ipinost ito sa official Facebook page ng government agency na kanyang pinamumunuan, ang Department of Interior and Local Government (DILG).
Sinabi ni Remulla: “Mga Abangers, Sarap ng bogchi ko. Sa kabusugan ay nakaidlip sandali. Oh eto na inaabangan ninyo.”

Marami ang kumondena sa Facebook post ni Remulla dahil hindi ito nakakatawa, lalo na sa panahong marami sa mga naghihirap na kababayan natin ang biktima ng kalamidad.
Read: Jake Ejercito, Jessy Mendiola, netizens not amused by DILG post
Isang araw bago lumabas ang binabatikos na Facebook post ni Remulla, ginamit din niya ang Facebook page ng DILG para iparating kay Aragones ang kanyang mensahe.
Nakasaad dito: “Sa bago kong BFF Sol, Bakit ba ganyan? Ayon sa DOST ay hindi raw kasama ang Laguna sa Hazard map para bukas.
“Kung tutuusin ay isang ilat lang ang pagitan natin.
“Yung dati ko na BFF si Ramil, lagi kaming nag trash-tokan. Pero nahiya naman ako sa iyo dahil si utol Gilbert ang talagang ka-close mo.
“Ganito ire, kung tingin mo nanganganib ang mga kababayan mo ay ikaw na ang bahala. Suportahan ta ka. Basta kung ano ang desisyon mo, back up ako 100%. Oh ayan. Good luck!”
Hindi nabalewala ang Facebook post ni Remulla dahil mabilis ang sagot sa kanya ni Aragones.
Mensahe ng Laguna governor: “Hi BFF Sec Jonvic, nag-decide ako mag-suspend bukas ng klase sa Laguna dahil di na keri ang baha sa iba’t ibang barangay dito.
“Dami na shoutout para sa safety ng lahat. Uy, thank you sec sa support ha… bff na rin tayo ha?”
Sa pangalawang mensahe ni Remulla para kay Aragones sa DILG FB page ngayong Martes, Hulyo 22, sinabi niya: “Sa aking bagong BFF Sol, Oh ayan. Nasama na kayo sa listahan pero nakalimutan ko sarili kong lalawigan.
"BFF, payagan mo nang walang pasok mga college students. 'Di immortal mga yan.
"Baka may pagkakataon sila makapanood ng bagong Superman. Nakatipid naman sila ng baon. Kung may kailangan, text ka lang.”
Read: Graduate in Bulacan cries discrimination during commencement exercises
NETIZENS REACT
Gaya ng dapat asahan, kinuwestiyon ng ilang netizens ang mga post na mababasa sa DILG Facebook page.
Narito ang ilang komento nila:
“Gamitin sana itong FB page na ito sa mas pormal na pamamaraan. Ito po ay FB page ng isang department ng gobyerno."
“Seriously DILG?”
“In times of calamity, public communication must be clear, serious, and focused on safety. This post treats a dangerous situation lightly. People’s lives are at stake. Leadership demands professionalism, not jokes.”
“Ok na sir! We get your point pero sana naman wag gawin lahat katatawanan. Pass na tayo sa ‘Bagyo ka lang, Pinoy kami!' mindset. Paulit-ulit na problema na walang accountability at long term solution eh. Puro na lang joke at katatawanan. ‘Wag ganun!”
“Kelan pa naging meme page ang DILG Philippines? Paalala sa communications team nyo na opisina ng pamahalaan ang page na ito. Hindi laro-laro ang mga anunsyo na pinapadaan dito.”
“Unprofessional masyado. Sabi nga ng iba, trying hard.”
“Ginagawa nyong joke ‘yung calamity response??? Maghapong nag-uulan at sobrang lakas dito sa Laguna, may mga lugar na baha na. Palibhasa safe kayo sa magaganda at matataas nyong bahay kaya nagagawa nyong tawanan.”
Read: Ina ni Paolo Tantoco, nagsalita na tungkol sa pagkamatay ng anak