Wala muna sa plano ni Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition Fourth Big Placer AZ Martinez na muling sumali sa mga beauty pageant.
Bukod sa nakatuon ang kanyang pansin sa showbiz career, malaking halaga ng pera ang nagastos niya nang sumali at manalo siya sa Hiyas ng Pilipinas noong 2022.
Halos isang milyong piso ang ginasta ni AZ, pero hindi naman ito nasayang dahil siya ang nagwagi bilang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Summit International 2023, na ginanap noong Setyembre 3, 2023, sa Florida, USA.
"As of now, wala pa po sa plans, but I am not closed to it. Maybe in a few years.
"Pero right now, I wanna focus in the path that I have now. I wanna focus into acting— showbiz—kasi this is the one na pinangarap ko po talaga," kuwento ni AZ sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files.
Read: Yen Santos claims her last relationship was a “nightmare”
AZ MARTINEZ'S FULL NAME
Azriel Atira Martinez Coloma ang tunay na pangalan ni AZ.
At dahil medyo kakaiba, itinanong ng Cabinet Files ang pinanggalingan ng kanyang pagkakakilanlan.
"Azriel Atira Martinez Coloma ang full name ko and Azriel Atira came from the Bible.
"Si Mommy sobrang prayerful po talaga siya, ever since she loves to read the Bible.
"From what I remember, Azriel means brave; then Atira means… I forgot but it’s something about God.
"Or nagkabaligtad kasi matagal ko nang na-research, like, I was young pa,” paliwanag ni AZ.
Tama ang pakiramdam ni AZ na nagkamali ang kanyang paliwanag.
Sa pagsasaliksik ng Cabinet Files, pangalan ng lalake ang Azriel na "God is my help” ang kahulugan sa salitang Hebrew; samantalang "To pray" ang Atira.
Read: Eat Bulaga! addresses mix-up in OPM Female Clones results
AZ MArtinez PBB STINT
Malaki ang naitulong ng PBB sa showbiz career ni AZ dahil nakilala ito at nadagdagan ang bilang ng kanyang mga tagahanga.
Higit sa lahat, may mga positibong pagbabago sa kanyang ugali na resulta ng pagpasok at matagal na pananatili niya sa PBB house.
"Honestly, sa lahat ng growth na nangyari sa akin sa loob ng PBB house, sobrang happy ako. Kasi now, being outside, nawala na yung qualities ko ng pagiging overthinker.
"I am very at peace ngayon. Sobrang happy po talaga ako, like, I am really enjoying life.
"I am feeling yung freedom sa mind ko, sa heart ko, and everything so sobrang nag-e-enjoy ako. I am really happy ngayon," ang lubos ang sayang rebelasyon ni AZ.
Read: River Joseph, tiyuhin ang broadcaster na si Johnny Midnight