Sa kauna-unahang pagkakataon, magiging ganap na ama ang aktor na si Carlos Morales sa edad na 49.
Nasasabik na ang actor-director sa nalalapit na pagsisilang ng kanyang fiancée na si Felicia Fong sa panganay nilang anak sa Agosto 2025.
“I’m really excited to have a baby na," sabi ni Carlos sa Cabinet Files.
"My fiancee’s name is Felicia and eight months pregnant na siya.
"She’s expected to give birth in the last week of August, and we will name the child Zoië Belle."
Read: Mga hurado ng OPM Female Clones, napuna ang mix-up sa winner
CARLOS AND FELICIA ATTEND PARENTING CLASS
Pinaghahandaan daw mabuti ni Carlos ang nalalapit na pagdating ng anak nila ni Felicia sa pamamagitan ng pagdalo sa isang parenting class sa San Francisco, California.
Ipinagtapat ni Carlos na naramdaman agad nito sa murang edad na magkakaroon lamang siya ng sariling pamilya kapag may edad na siya. Ito raw kasi ang naging epekto sa kanya ng paghihiwalay ng kanyang nanay at American father.
Pagbabahagi niya: “I’ve always had a feeling, even from a young age, that I’d start a family a bit later in life.
"Coming from a broken family myself, it’s only been in the last 20 or so years that my parents found their way back to each other.
“That experience made me realize how important it is for a child to have a consistent father figure growing up.
“I want to give my child—and any future kids—a strong foundation built on love, guidance, and values that will help shape them into good and grounded individuals.”
Read: Elisse Joson and McCoy de Leon confirm breakup
May magaganda na raw plano para sa kanyang isisilang pa lamang na anak.
“I’ll support whatever her goals and dreams maybe,” sabi ni Carlos.
Magdiriwang si Carlos ng ika-50 kaarawan sa Enero 5, 2026.
Ang pagkakaroon ng anak at sariling pamilya na itataguyod ang kanyang itinuturing na pinakamagandang regalo at biyaya na matatanggap niya mula sa Panginoong Diyos.