PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Heaven Peralejo-Marco Gallo breakup, totoo bang mutual decision?

Heaven Peralejo, agaw-pansin ang suot sa cast reveal ng I Love You Since 1892.
by Jojo Gabinete
Published Jul 25, 2025
heaven peralejo marco gallo breakup
Heaven Peralejo has unfollowed ex-boyfriend Marco Gallo on Instagram, while Marco still follows her.
PHOTO/S: @viva_tv on Instagram

Hiwalay na sina Marco Gallo at Heaven Peralejo nang mangyari ang media conference para sa Vivarkada: The Ultimate Fancon and Grand Concert noong Hulyo 16, 2025, pero walang nangahas magtanong sa Italian-Filipino actor.

Hindi rin nahalatang nagwakas na ang relasyon ng dalawa dahil si Marco pa ang nagsabing may “hot production number” sila ni Heaven sa Vivarkada na itatanghal sa Smart Araneta Coliseum sa Agosto 15, 2025.

Hindi dumalo si Heaven sa media conference ng Vivarkada pero kasama siya sa mga magtatanghal sa fancon dahil sila ni Marco ang magiging kinatawan ng original series na kanilang pinagbidahan, ang The Rain In España.

Read: Heaven Peralejo confirms breakup with Marco Gallo

MUTUAL DECISION

Isang nakakaalam sa kuwento ng nagwakas na pagmamahalan nina Heaven at Marco ang nagsabi sa Cabinet Files na "mutual decision" ang kanilang paghihiwalay.

Nakumpirma ito nang aminin ng aktres na hiwalay na sila ni Marco sa panayam sa kanya sa media conference ng I Love You Since 1892 noong Huwebes, Hulyo 24.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang I Love You Since 1892 ang Wattpad novel na isa nang online series at mapapanood sa Viva One.

May mga nahihirapang maniwala na mutual decision ang breakup ng dalawa dahil hindi na follower si Heaven ng Instagram account ni Marco, pero sinusubaybayan pa rin ng aktor ang social media page ng dating karelasyon.

Read: Heaven Peralejo, bibida sa Wattpad series I Love You Since 1892

HEAVEN'S OUTFIT AT CAST REVEAL

Hindi lamang ang paghihiwalay nina Heaven at Marco ang pinag-uusapan dahil marami ang pumupuna sa modern Filipiniana outfit ng aktres sa cast reveal ng I Love You Since 1892.

Nagsimula noong 1892 ang kuwento ng serye na tinatampukan nina Heaven, Jerome Ponce, at Joseph Marco kaya Barong Tagalog at Filipiniana ang kanilang mga kasuotan, pati na ng direktor na si McArthur Alejandre at ng I Love You Since 1892 author na si Mia Alfonso.

Seksing-seksi si Heaven sa kanyang modern Filipiniana gown na umani ng sari-saring reaksyon mula sa mga masugid na mambabasa ng sikat na Wattpad novel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Elisse Joson and McCoy de Leon confirm breakup

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heaven Peralejo has unfollowed ex-boyfriend Marco Gallo on Instagram, while Marco still follows her.
PHOTO/S: @viva_tv on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results