PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"You Are My Sunshine," masiglang kanta na may lungkot na dala

Gamit sa dramatikong Elisse Joson-McCoy de Leon breakup announcement video.
by Jojo Gabinete
Published Jul 26, 2025
Mccoy de Leon, Elisse Joson, Felize
Sa kanilang breakup announcement video, mapapanood ang pag-awit nina McCoy de Leon (kaliwa) at Elisse Joson (kanan) ng classic American country song na "You Are My Sunshine." Kasama pa nila sa video ang bata pa noong anak nila na si Felize.
PHOTO/S: Screengrab from @elissejosonn Instagram

Hati ang reaksyon ng publiko tungkol sa dramatikong paghihiwalay nina Elisse Joson at McCoy de Leon.

Read: Elisse Joson and McCoy de Leon confirm breakup

Dahil kung marami ang nalulungkot para sa kanilang adorable 4-year-old daughter na si Felize, may mga naniniwalang magkakabalikan sila.

Ginamit na halimbawa ng mga umaasang magkakabalikan sina Elisse at McCoy, ang ilang beses na pagwawakas noon ng relasyon nila na humantong din sa reconciliation.

Naging dramatiko ang paraan ng pag-anunsyo ng kanilang hiwalayan dahil sa inilabas nilang video sa kani-kanilang Instagram account.

Hindi maipagkakailang pinaghandaan nilang mabuti ang kanilang breakup announcement video na nilapatan pa nila ng pag-awit ng 1939 classic American country song na "You Are My Sunshine" na unang inawit ng The Pine Ridge Boys.

Mapapanood sa video ang pagkanta ni Elisse habang tumutugtog naman ng gitara si McCoy. Kasama pa nila sa video ang kanilang anak na si Felize.

Mahihinuha ring matagal na nilang nai-record ang video dahil napakabata pa ng itsura roon ni Felize.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matutunghayan din sa kanilang breakup video ang mga eksena ng maliligayang sandali ng pagsasama nina Elisse at McCoy na nakadagdag ng drama sa isang malungkot na sitwasyon.

View this post on Instagram

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)


Masigla ang himig ng "You Are My Sunshine" na kinakanta rin bilang children’s lullaby.

Sa lyrics, nagpapahayag ito ng malalim na kalungkutan at pananabik para sa isang nawawalang minamahal.

At katulad ng sinag ng araw, ipinapahiwatig ng kanta na nagbibigay ng liwanag at kaligayahan ang taong pinatutungkulan ng lyrics na, "You are my sunshine, my only sunshine. You make me happy when skies are gray.

"You’ll never know, dear, how much I love you. Please don’t take my sunshine away."

Tulad ng kanyang mga magulang, memoryado at inaawit din ni Felize ang kantang ginamit sa pag-anunsyo ng natapos na relasyon ng kanyang mga magulang.

May hatid na kalungkutan ang video ng inosenteng pag-awit ni Felize sa "You Are My Sunshine."

@_elissejoson #elissejoson #mccoydeleon #mclisse #fyp #fypage #felizemckenzie #cutebaby ? original sound - Elisse Joson

Palagi itong magpapaalala sa isang malungkot na kabanata ng buhay ng pamilya nila — ang paghihiwalay ng mga magulang niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Elisse Joson, Felize, McCoy de Leon
Katulad ng kanyang mga magulang na sina Elisse Joson (kaliwa) at McCoy de Leon (kanan), kabisado rin ni Felize (gitna) ang lyrics ng "You Are My Sunshine."
Photo/s: Felize Official Facebook Page

Dahil lamang sa paggamit nina Elisse at McCoy sa kanta bilang musika sa kanilang breakup announcement.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kanilang breakup announcement video, mapapanood ang pag-awit nina McCoy de Leon (kaliwa) at Elisse Joson (kanan) ng classic American country song na "You Are My Sunshine." Kasama pa nila sa video ang bata pa noong anak nila na si Felize.
PHOTO/S: Screengrab from @elissejosonn Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results