Ang 28-year-old aspiring singer na si Jake Villamor ng Iloilo City ang bagong talent ng A-Team talent management agency ni Ogie Alcasid.
Ipinakilala si Jake sa pamamagitan ng media conference na naganap sa isang events place sa Quezon City ngayong Lunes ng hapon, Hulyo 28, 2025.
Nakilala ni Ogie si Jake noong 2024 sa basement ng tahanan nila ni Regine Velasquez sa Quezon City.
Si Regine ang nagsilbing discoverer ni Jake dahil siya ang nag-udyok kay Ogie na ito ang mamahala sa music career ni Jake.
Read: Comedian Bayani Casimiro Jr. dies at 57
HOW JAKE VILLAMOR WAS DICOVERED
Lahad ni Ogie: “Every year, kapag Pasko, ipinapaayos namin yung [Christmas decors] bahay namin.
"Yung mismong nag-ayos ng kasal namin ni Regine, yung mga bulaklak, nag-arrange, ang pangalan niya si Badang Rueda. Badang is like a close friend of the family.
"So, nung last Christmas, nag-aayos si Badang, assistant niya si Jake. Si Jake ang nag-a-assist sa kanya ng mga ilaw.
"E, nasa basement ako, dun ako nagre-rehearse for a show.
“Biglang bumaba si Misis, bitbit na niya si Jake. Sabi niya, ‘Hon, may ipapakilala ako sa yo!’
“Sabi ko, 'Kumakanta ka ba?' 'Opo, kumakanta po ako.'
“Tiningnan ko yung Instagram niya, nakita ko nga kumakanta.
"Ang dami niyang posts about his singing and he’s very good. He’s a very good singer.
“So, sinabi ko sa kanya, ‘Mag-usap tayo soon.’
"Pero ilang buwan bago ako tumawag sa kanya. Hindi ko siya kinalimutan, yun nga lang medyo naging busy ako.”
Read: UPDATED. ABS-CBN's Kat Domingo unfairly accused of throwing shade at GMA's Nico Waje
THE BEGINNING OF TALENT-MANAGER RELATIONSHIP
Makalipas ang ilang buwan, nagpadala ng mensahe si Ogie kay Jake na hudyat ng pag-uumpisa ng kanilang talent-manager relationship.
Kuwento naman ni Jake: “It took six or seven months bago niya ako binalikan.
“That time, nung hindi pa ako binabalikan ni Sir Ogie, it took some time, baka wala na.
"Baka hindi na siya matuloy. Baka may nakita siya na hindi nagustuhan, ayaw na niya akong i-push as one of his talents.
“Na-contact niya ako for the music video of 'Hanggang Dito Na Lang Ba Tayo?' last April of this year.
“During that time, parang nagmo-move on na talaga ako kasi I thought si Sir Ogie, hindi na niya talaga ako kukunin.
"But thankfully, nag-message siya sa akin sa Instagram, ‘Jake, please standby, kasi I want to cast you for my next video.’
“Dun na po kami nag-constantly nag-usap uli.”
Maligayang-maligaya at lubos ang pasasalamat ni Jake sa malaking oportunidad at magagandang plano ni Ogie at ng A-Team para sa kanyang singing career.
Read: Shuvee Etrata on Anthony Constantino: "Ako ang unang nagka-crush."