Kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa plano, nakatakdang magpaalam sa Oktubre 2025 ang programang pitong taong namayagpag sa telebisyon.
Ikinalungkot ng mga artista at production staff ang nalalapit na pagwawakas ng kanilang programa.
Pero nagpapasalamat pa rin sila dahil umabot ng pitong taon ang TV show na inakala ng marami na hindi magtatagal noong nag-uumpisa pa lamang ito.
Ang TV show na magpapaalam ang dahilan kaya nagsara noon ang katapat na programang inilampaso sa ratings.
Read: Comedian Bayani Casimiro Jr. dies at 57
REALITY SHOW TO REPLACE TV PROGRAM
Isang reality show na magbabalik-telebisyon ang ipapalit sa mababakanteng timeslot ng seven-year old program na naging malaking bahagi ng buhay ng mga bidang artista.
Tumatanaw ng utang na loob ang mga bidang artista sa TV show na maraming kontribusyon sa buhay nila at nagbigay sa kanila ng popularidad.
Alam ng mga bidang artistang walang permanente sa mundo, lalo na sa showbiz, kaya masakit man ay buong puso nilang tinanggap ang malungkot na katotohanan.
Read: Kitty Duterte, kumpirmadong karelasyon na ang apo ni Chavit Singson