Datu sa tunay na buhay ang pakilala sa sarili ni Jser Leon, isa sa labing-apat na miyembro ng MaxBoyz, ang all-male group na inilunsad ng Wildstar Media Production nitong Martes ng hapon, Hulyo 29, 2025.
Ang Wildstar Media ang producer ng Wild Boys, ang pelikulang ipalalabas sa mga sinehan sa Agosto 13 at pinangungunahan nina Carlos Morales, Rash Flores, Vin Abrenica, at Aljur Abrenica.
Si Jser, 26, ay kilala rin sa tawag na Wolf.
Kinoronahan siyang Hari Republika Pilipinas noong Mayo 31, 2025.
Siya ang magiging kinatawan ng ating bansa sa King Republik Continent International na magaganap mula Agosto 20 hanggang Agosto 25, 2025.
Read: Netizens are loving Arci Muñoz's “final look”
View this post on Instagram
JSER LEON'S TRIBE
Sa panayam ng Cabinet Files kay Jser ay ibinahagi niya kung saan nagmula ang kanilang tribo.
Lahad niya: “My tribe is Gaddang and Ybanag tribe from upper north.
“My family is from Luzon, Visayas, and Mindanao. My dad is from Visayas and Mindanao, while my mom is from upper north.
“My grandmother is a princess of her tribe, which is the Ybanag-Tuguegarao.
"We also have relatives in other tribe, the Gaddang from Cauayan, Isabela.
“I was baptized two years ago together with other datus.
"And one of the responsibilities of being a datu is to be active in any activities of the community, the indigenous people.
"We celebrate it every October of the year."
Read: Kitty Duterte, kumpirmadong karelasyon na ang apo ni Chavit Singson
JSER'S DREAMS OF BECOMING AN ACTOR
Pangarap ni Jser mula noong bata pa itong maging aktor. Resulta raw ito ng kanyang madalas na panonood noon ng mga lumang pelikula.
Sumali si Jser sa MaxBoyz dahil ito ang naisip niyang paraan upang matupad ang kanyang pangarap na magkaroon ng puwang sa entertainment industry.
Saad ng aspiring actor: “Gusto ko pong umarte sa harap ng kamera at ine-expect ko na lalong gumaling pa sa larangan ng showbiz at sa ibang bagay pa na kaya kong gawin.
“As MaxBoyz member po, it’s really a roller-coaster challenge po sa akin at sa aming lahat because it's not that easy to be one of the members.
“Ang akala ko nga po hindi na ako makukuha. When I joined the audition, ipinagpasa-Diyos ko po ang lahat. I know that He’s been guiding me.
“And when I got in, every day po akong nagta-travel from Tarlac to Manila for our training dahil willing talaga akong matuto dahil bago sa akin ang ganitong field.
“I am very happy po to be a part of MaxBoyz and marami pa po kaming ipakikita na kakaiba at kagigiliwan ng manonood.”
Ipinagmamalaki ng MaxBoyz na sila ang Philippine counterpart ng Magic Mike.
Ang former dancer at Meycauayan, Bulacan councilor na si Mariposa Cabigquez ang choreographer ng MaxBoyz.
Siya ang nagsabing walang kinalaman ang Vivamax sa pangalan ng grupo, pero tatlo sa mga miyembro nito ang lumalabas sa mga pelikula ng VMX.
Read: Seven-year-old TV program, magpapaalam na sa ere; papalitan ng reality show