PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Former PBA player Roider Cabrera, di pa natutuloy ang angiogram

Hospital bill ni Roider Cabrera, halos umabot na sa PHP1 million.
by Jojo Gabinete
Published Jul 30, 2025
roider cabrera
Former Terrafirma shooting guard Roider Ross Cabrera suffered a heart attack in 2021 and has yet to fully recover.
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Hindi pa natutuloy ang angiogram procedure sa former PBA player na si Roider Ross Cabrera, 34.

Nagkaroon ng bilateral pneumonia si Roider kaya hindi pa nalalaman ng kanyang mga doktor kung may bara sa ugat ng puso niya.

Si Roider ang 6’4" shooting guard ng Terrafirma na inatake sa puso habang nasa dugout siya ng kanilang basketball team sa Ynares Sports Arena, Pasig City, noong Nobyembre 24, 2021.

Mula noon, nagkasunud-sunod na ang mga problema sa kalusugan ni Roider kaya hindi na ito nakabalik sa paglalaro ng basketball.

Noong Hulyo 11, 2025, ipinasok sa isang ospital sa Laguna si Roider dahil nahihirapan siya sa paghinga.

Ito ang dahilan kaya nanawagan ng pinansiyal na tulong ang nakababatang kapatid niyang si Rachaleen Cabrera.

Read: PBA player Roider Cabrera, kailangan ng panalangin at pinansiyal na tulong

UPDATE ON ROIDER'S CONDITION

Ngayong Miyerkules, Hulyo 30, 2025, kinumusta ng Cabinet Files kay Rachaleen ang kalagayan ni Roider na nananatiling nakaratay sa ospital.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Rachaleen, hindi pa natutuloy ang angiogram procedure sa kuya niya.

roider cabrera hospital
Former PBA player Roider Ross Cabrera is still waiting to undergo angiogram procedure.
Photo/s: Courtesy of Racheleen Cabrera

“Fifty thousand pesos po ang kailangan sa angiogram pero sa X-ray kay Kuya, nakita na may bilateral pneumonia siya.

“Since wala pa po kaming pambayad sa angiogram, nag-focus muna kami sa pneumonia ni Kuya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At saka sa ngayon po, hindi pa namin kaya ang angiogram dahil almost one million pesos na ang bill namin sa ospital.

“After nitong gamutan ni Kuya, baka ilabas po namin kasi hindi na talaga namin kaya.

“Tinatapos na lang namin yung antibiotics niya hanggang bukas, Huwebes.

"So after that, ipa-process na namin yung paglabas po niya,” malungkot na pahayag ni Rachaleen.

Ayon pa sa kanya, naging maselan ang kalagayan ni Roider nang ipasok ito sa pagamutan.

Lahad niya: “Yung first two weeks po niya sa hospital, sobrang critical. Hindi namin alam kung ano ang mangyayari sa kanya.

“Nung buong stay namin sa ospital, medyo maraming complications. Yung sa cardio na lang niya ang hindi pa namin napapa-check.

“Hindi na rin kami pumayag na ma-intubate siya dahil sa lagay ni Kuya, baka sa paglalagay pa lang ng tubo sa kanya, baka hindi na niya kayanin.

“Nag-try po kaming dalhin siya sa ospital sa Maynila, nag-contact kami sa Philippine General Hospital, East Avenue Medical Center.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Marami kaming kinontak na hospitals kaso wala rin silang mga bakante. Saka sinabi sa amin ng doktor na baka mahirapan na rin si Kuya sa biyahe."

Read: Seven-year-old TV program, magpapaalam na sa ere; papalitan ng reality show

ROIDER'S HOSPITAL BILL

Sa kasalukuyan daw ay halos one million pesos na ang hospital bill ng dating PBA player.

Pagbabahagi ng kapatid ni Roider, “Kahapon po, yung running bill namin, PHP910,000. Ang partial payment pa lang po namin, PHP161,000.”

Sa kabila ng malaking problema nila sa pananalapi, ipinapaabot ni Rachaleen ang pasasalamat sa lahat ng mga nagpadala ng tulong nang malaman ng mga ito ang kalagayan ni Roider.

Sabi niya: “Halos mga anonymous po yung tumulong, hindi na po sila nag-message kung sino sila at kung magkano ang ibinigay nila.

“Tumulong din po ang PBA Motoclub, pati ang mga ka-batch ni Kuya sa PBA, saka sa Adamson University. Sila po yung active na nangungumusta kay Kuya since nangyari sa kanya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Senator Bong Go po, yung Malasakit Foundation, nagbigay po sa amin under Department of Health.”

Nais daw ni Rachaleen na madala sa Philippine Heart Center si Roider para matuloy na ang angiogram procedure nito.

“Actually, naghahanap kami ng makakapag-refer sa amin kahit sa Philippine Heart Center para, at least, yung gastos hindi ganoon kalaki.

“May mga nagbigay naman po ng guarantee letters kasi may kumontak din sa akin from PBA Legends naman. Tumutulong din sila sa amin sa paghahanap ng contacts na puwedeng tumulong.

“Sila ang nag-advise sa akin na baka mabigyan kami ni House Speaker Martin Romualdez ng referral sa Philippine Heart Center.”

Nagtatrabaho si Rachaleen bilang government employee sa Makati City, pero matagal na siyang hindi nakakapasok sa opisina.

Buhat kasi nang maratay sa ospital si Roider, siya na ang nag-aalaga at nag-aasikaso sa kanyang kuya.

Saad niya: “Dalawa lang po kaming magkapatid. May isang anak na babae si Kuya pero wala siyang asawa. Grade 12 na yung anak niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung tatay naman po namin, si Papa Raul, 63 years old na siya, na-stroke noong October 2024. At ang nanay namin ang nag-aalaga sa kanya.

“Nasa bahay lang si Papa, hindi siya nakakalabas. Naka-wheelchair siya.

"Medyo nakakalakad na po pero hila-hila niya ang isang paa. Medyo utal pa siya magsalita.”

Sa kabila ng mga problema sa kalusugan na pinagdaraanan ng kanyang ama at kapatid, nananatili raw matatag at hindi nawawala ang pananalig ni Rachaleen sa Panginoong Diyos.

Read: Netizens are loving Arci Muñoz's “final look”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Terrafirma shooting guard Roider Ross Cabrera suffered a heart attack in 2021 and has yet to fully recover.
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results