Nanganganib na hindi matuloy ang planong pagpapakasal ng aktor at ng kanyang fiancée.
Ito ay dahil sa mga social media post ng isang babae na matibay na ebidensiya tungkol sa lihim na relasyon nila ng aktor.
Ginulat ng babae ang lahat ng mga nakakakilala sa aktor at sa kasintahan nito dahil inilabas niya sa social media ang mga romantikong larawan at video nila ng aktor.
Ang mga litrato at video ang pruweba na habang karelasyon ng aktor ang kanyang fiancée, lihim din niyang karelasyon ang babaeng tila napagod na sa pagtatago.
Nasaktan nang husto ang fiancée sa natuklasan nito.
Hindi na niya kailangang mag-imbestiga dahil sapat o higit pang katibayan ang mga larawan at video na inilabas ng kanyang karibal.
Read: Rufa Mae Quinto's husband Trevor Magallanes dies
LOVE TRIANGLE
Pinagpipistahan at pinag-uusapan ng mga kaibigan ng tatlo ang love triangle na itinuturing nilang malaking eskandalo.
Pero kahit ang fiancée ang agrabyado, kaunti lamang ang simpatiya na kanyang natatanggap.
Hindi nakakalimutan ng mga kakilala niya na siya ang ugat ng paghihiwalay at pagkawasak ng pamilya ng popular showbiz couple.
Naniniwala ang mga hindi nakikisimpatiya sa fiancée sa kasabihang "what goes around comes around."
Para sa kanila, sinisingil na ang fiancée sa ginawa nito noon—ang pagpatol niya sa sikat na aktor na iniwan ang pamilya dahil siya ang piniling pakisamahan pero humantong din sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.
Read: Cristy Fermin charged with cyberlibel in Bea Alonzo case